• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo on marrying Bea Alonzo: 'Wala na akong ibang pinagdadasal kundi yun'

Zanjoe Marudo on marrying Bea Alonzo: 'Wala na akong ibang pinagdadasal kundi yun'

Zanjoe Marudo does not want to put any pressure on Bea Alonzo about marriage just yet.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

5/7/2013 8:41 AM
Zanjoe Marudo on marrying Bea Alonzo: 'Wala na akong ibang pinagdadasal kundi yun'


050713-zanjoe_main.jpgDuring the grand presscon for his upcoming movie Bromance, Zanjoe Marudo admitted that he is looking forward to showing his fans his first starring role as identical twins. In the story, macho Brandon does not get along with his openly gay twin Brandy. Comedy ensues when Brando has to pretend to be his twin when Brandy gets into an unexpected accident. “Mas nararamdaman ko na siyempre yung excitement kesa nung ginagawa ko pa lang siya ng di pa buo. Ngayon na tapos na yung pelikula, dinudub na,inaayos na, ngayon nag-po-promo na kami, ito yung na-e-excite na ako kasi gusto ko ng mapanuod ng tao. Gusto ko ng mag-enjoy sila, matawa sila sa pelikulang ito,” he said.

Zanjoe said this is a very important project to him because his name gets top billing in the movie, but he refuses to let the pressure of its outcome at the box office get to him. “Ayokong isipin eh. Ayokong isipin yung pressure, mas natutuwa ako na kunwari malapit na siya ipalabas. Pero siyempre pagdating ng araw hindi ko alam bago siya ipalabas kung makakatulog ba ako or ano mararamdaman ko. Sa ngayon ang nararamdaman ko na-e-excite na ako na mapanuod na ng tao, na maialabas na kasi nga si direk Wenn (Deramas), yung cast, yung mga creatives lahat sila happy. Happy sila dun sa kinalabasan. Ayokong isipin yung pressure kasi first movie ko na ako'y magbibida so ayoko siya ikumpara sa mga pelikula ng iba kasi nga hindi naman akin yun,” he shared.

After playing the role of Bea Alonzo's gay best friend whom she falls in love with in 24/7 In Love last year, Zanjoe said he never expected that he would get the chance to play a gay role again in Bromance.Hindi, hindi naman kasi nga ginawa namin yun para sa anniversary ng Star Magic eh, hindi ko naman alam na mabibigyan ako ng ganung role as a full-length film. Kaya naman namin ginawa kasi isa siyang maliit na episode, puwede naman magbading tapos si Bea yung partner ko. Hindi ko nga akalain na magkakaroon ng seryosong pelikula na gagampanan ko ng buo mula simula hanggang matapos,” he admitted.

Zanjoe said his girlfriend is looking forward to watching Bromance already. “Oo gusto niya talaga panuorin. Natutuwa naman siya. Kahit para sa premiere excited siya, nagpaalam na siya sa akin kung puwede ba siyang nandoon, sabi ko, 'Oo naman. Sana nandun ka.' Si Bea kasi mababaw yung tawa niya eh, konting kilos ko lang tawa na siya ng tawa. Ayun at saka excited siya at saka gusto nga niya pumunta sa first day pa lang mapanuod na niya yung pelikula,” he revealed.

The moreno heartthrob even admitted he used Bea's pout as a inspiration for some of his gay antics in the movie. “Ginagaya ko yung pagpa-pout niya ng labi kasi nga napansin ko halos lahat ng mga pictures niya sa mga magazine, laging naka-pout yung labi niya. So yun yung naging peg ko,” he said.

When it comes to their relationship, Zanjoe said everything is smooth sailing even though they have limited time to spend with each other because of work commitments. “Sa ngayon kailangan namin magtiyaga, magtiis sa ngayon. Kasi kahit na natapos yung pelikula may mga promo siya so marami pang schedule so tiis tiis muna kami na konting time lang kung magkikita kami hindi na kami nakakakain sa labas. Pero dahil Sunday ngayon baka after ng dubbing ko puwede,” he shared.

Although they have always been vocal about being serious, Zanjoe said he does not want Bea to feel pressured to get married yet. “Ah bata pa, ayoko pang pangunahan yung mga ganyan kasi bata pa si Bea. Marami pa siyang gagawin and marami pang puwedeng mangyari at saka ako naman looking forward naman ako na sa magandang future kasama si Bea,” he said.

Zanjoe admitted that he is already sure about wanting to marry Bea someday. “Oo wala naman akong ibang iniisip, wala na akong ibang pinagdadasal kundi yun, na si Bea na yung makasama ko. And sana ganun din yung mangyari, pero hindi pa naman natin masasabi, bata pa siya at saka marami pang puwedeng mangyari. Pero sana di ba magkatotoo yun,” he said.

Catch Zanjoe Marudo along with Cristine Reyes, Nikki Valdez, Arlene Muhlach, Maricar De Mesa and Joy Viado in Bromance on May 15. For more Kapamilya updates, log on daily to Push.com.ph and follow Push_Mina on Twitter.