Xian Lim admits misunderstanding with co-star Enchong Dee

Xian Lim denies that the fight was between his fans and Enchong Dee's fans, but says that he and Enchong will fix the situation.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/7/2013 8:36 AM
Xian Lim admits misunderstanding with co-star Enchong Dee


050713-xian_main.jpgNagsimula ang balitang alitan sa pagitan nina Xian Lim at Enchong Dee sa mga pahayagan kamakailan lang. Nagsimula ito diumano sa pagbisita ng mga fans ni Xian sa set ng kanilang serye Ina Kapatid Anak hanggang umabot sa puntong na sinigawan diumano ni Xian ang personal assistant ni Enchong na nagtulak sa dalawa para kumprontahin ang isa’t isa.

Ekslusibong nakapanayam ng Cinema News si Xian para klaruhin ang isyu. Aniya, “The issue was more of lahat sa production. Just to make it clear to everyone, binawalan nila yung fans to go there [to the set]. Pero ang nangyari was all of a sudden nagising na lang ako may mga fans, yung mga regular supporters, so I felt it was impolite and inappropriate na, ‘Sige umalis na kayo.’ So I decided to entertain them. I guess people got offended, people got the idea that siguro they think sumasaway ako sa rules and regulations.” Dagdag pa ni Xian, “Sinabi ko rin sa production na sana huwag kayong magalit sa akin kasi pinaglalaban ko lang naman mga supporters ko kasi sila pinaglalaban nila ako e.”
 
Klinaro din ni Xian ang isyu na may gulo namamagitan sa fans niya at sa tagahanga ni Enchong. Aniya, “No wala naman between the fans, wala naman sa akin. Wala naman ako with the fans of Enchong.” Sinagot din niya ang kumakalat na balitang nagkasagutan sila ni Enchong, “I think people should not exaggerate things. Unang una hindi ako naninigaw ng tao kung sasabihin nila naninigaw ako, okay I can’t please everyone. Babalik tayo dun but hindi po ganun, I’m just explaining. Ipaglalaban ko po yung mga taong pinaglalaban ako.”

Kung ang dalawa nilang leading ladies na sina Kim Chiu at Maja Salvador ay aminado na naapektuhan ang turingan sa set at ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanilang pinagdaanan kamakailan lang, aminado din si Xian na nagkaroon talaga ng hindi pagkakaintindihan ni Enchong ngunit nag-uusap sila. “Nag-uusap kami ni Enchong, hindi pwedeng hindi kami maguusap niyan. Siyempre merong misunderstanding pero it’s not the way people think kasi open ako sa kanya e. I’m pretty sure he would be open din sa akin. Hindi siya yung, ‘hindi kami mag-uusap, dededmahin ko siya’, walang ganun.”

Dahil sa pangyayari, natanong din ang aktor kung pinag-usap na ba sila ng Star Magic para maayos ang gusot. Ayon kay Xian, “Either way naman mag-uusap kami e so pag-usapin kami o hindi mag-uusap kami.