Ara Mina confirms reconciliation with Cristine Reyes

Ara Mina says that sister Cristine Reyes made the first move for them to patch things up.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/7/2013 8:33 AM
Ara Mina confirms reconciliation with Cristine Reyes


050713-cristine_main.jpgMasasabing isa sa mga naging malaking balita ng taong 2012 ang awayan na nangyari sa pagitan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes na dumating pa sa puntong idinemanda ni Ara ang kapatid ng libelo dahil sa mga mga naging palitan ng masasakit na salita ng dalawa. Ngunit makalipas ng isang taon, sa Instagram account ni Cristine Reyes, nag-post ito ng litrato nilang dalawa ni Ara Mina na nagsasabi nagkaayos na ang anumang gusot sa pagitan nila.

Sa ekslusibong naging panayam ng Cinema News kay Ara Mina, ibinahagi niya ang nangyaring pagbabati sa pagitan nila. Aniya, “Holy Week nangyari pagbabati namin, Holy Week din nangyari yung away namin so one year hindi ko ineexpect, parang pampelikula yung nangyari. Easter Sunday yun we decided na isinurprise namin yung mommy ko, walang nakakaalam na nagbati na kami. Sunday namin ni-reveal even sa Instagram, nagkataon nga April 1 Fools Day, ano ba ito totoo ba ito?

Ayon kay Ara, si Cristine ang unang gumawa ng hakbang para sila magkabati. “Siya nag-initiate kasi before may dumadaan-daan lang parang tatawag lang yung isang sister ko kung baga hindi siya direct. Alam mo naman mga ate malalambot ang puso niyan so inaantay lang yun ikaw mismo [ang lalapit]. Tsaka mararamdaman mo naman kasi talaga kung bukal sa kalooban niya and kilala ko siya, kapatid ko siya.”

Maligaya si Ara na aniya’y nakapag-isip-isip na ang nakababatang kapatid sa kanyang mga ginawa. Dagdag pa niya, “Ako naman sabi ko sa kanya napatawad ko na siya kahit hindi pa siya humihingi ng tawad.”

Dahil sa halos isang taong hindi nakapag-usap ang magkapatid, ngayon ay binabawi nila ang mga panahong nawala dahil sa hindi nila pagkakaintindihan. “Iba na siya ngayon, mas close kami compare dati. Pumupunta siya sa house ko, naglu-lunch kami every Sunday, nagchu-church kami and na-touch ako kasi hinolding hands niya ako nung nasa church kami kasi yung message dun sa church parang bagay sa amin tapos nanonood kami ng movie together.”

Napansin niya din ang malaking pagbabago sa kanyang kapatid sa turingan nila sa isa’t isa dahil sa nangyari. “Mas open siya ngayon, nagte-text siya mas nagi-love you na siya kaysa before, na-miss ko yung AA.”

Ngunit marami pa rin ang nakakarating sa kampo ng magkapatid na walang sinseridad diumano ang paghingi ng tawad ni Cristine kay Ara. Agad namang dinepensahan ni Ara ang mga akusasyong ito laban kay Cristine, “Alam ko may mga hindi naniniwala na sincere si Cristine, ako na po magsasabi sa inyo totoo po kasi in fairness sa kapatid ko, this time she’s really sincere.”

At sa tanong tungkol sa kasong libel na isinampa niya sa kanyang kapatid, inamin niyang hindi pa sila nagkakausap ng kanyang abogado tungkol sa bagay na iyon ngunit desidido siyang iurong ang kaso. Aniya, “Hindi naming napagusapan yun kaso ng sister ko pero siyempre kapag nagusap na kayo automatic na ‘yun iuurong though hindi pa kami nagkakausap ng lawyer ko kasi busy siya pero dun na yun pupunta.”

Meron din siyang nais iparating sa mga magpapamilyang may nararanasan ding gusot tulad nang kanilang napagdaanan. “Sana maging halimbawa na lang kami magkapatid sa ibang magkapatid na nagaaaway din, hindi naman ako nagsisisi sa naging pagdemanda ko noon. Sabi ko nga tough love, kailangan mong tiisin ang mahal mo sa buhay para matuto lang.”