Kris Aquino confirms running for office in 2016

The actress says she wants to start in a local government post.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/5/2013 8:38 PM
Kris Aquino confirms running for office in 2016


050613-kris_main.jpgSa press conference sa isang rally ng Team P-noy sa Tacloban noong Biyernes ay inamin ni Kris Aquino na may balak nga siya na pumasok sa mundo ng politika sa 2016. Balak daw ni Kris na magumpisa muna sa isang local government position tulad ng kanyang amang si Benigno Aquino. “P-noy did not, he went to Congress straight then went to the Senate but my dad started as a small town mayor so I want to start in a big city.” 

Rehistrado si Kris sa ngayon bilang botante at residente ng Makati pero alam niyang mahirap bangain ang mga Binay, na umuukopa sa lokal na gobyerno ng lungsod nang ilang taon na.  “Open naman ako na hindi ko matitibag ang mga Binay doon so maghahanap na lang ako ng ibang siyudad sa Metro Manila,” nakangiting sagot ng Queen of All Media. Pero napapabalita din na target ni Kris ang maging gobernador ng Tarlac at may plano na kumuha ng post-graduate studies sa pamamahala. 

Sa isang separate interview, inamin din ni Kris na pinagbawalan na siya ni P-noy at kapatid na si Pinky na ‘wag munang pag-usapan ang pagtakbo niya sa 2016. 

Sa diskusyon naman ng The Buzz hosts na sina Boy Abunda, Gretchen Barretto at Toni Gonzaga, sinabi ni Boy, na matalik na kaibigan din ni Kris, na dumadaloy kay Kris ang dugong pulitiko. “It’s inevitable. Ang public service ay bahagi ng kanilang buhay.” Naalala din ni Boy noong buhay pa ang ina nitong si former president Cory Aquino, sinabihan nito si Kris na kung tatakbo man siya sa politika ay magsimula ito sa isang lokal na pwesto dahil pinaghahandaan ang mga bagay na ganito.