Kim Chiu makes peace with estranged father

The actress reveals in her Instagram account that blood is indeed thicker than water.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/5/2013 8:39 PM
Kim Chiu makes peace with estranged father


050613-kim1_main.jpgNatuwa ang marami ng makita na magkasama sa isang larawan si Kim Chiu at ang kanyang ama na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account. 

“Finally a photo with my Papa after 5 years. So happy for today. Thank you Lord,” ang caption na nilagay ni Kim sa picture nilang mag-ama. Kasama nito ang mga hashtags na “#bloodisthickerthanwater” and “#timeheals.”

Ilang taon din nabuhay si Kim na malayo sa piling nito. Matatandaang noon pa mang panahon ng unang teen edition ng Pinoy Big Brother, kung saan itinanghal si Kim na winner, ay di maayos ang relasyon ng aktres sa kanyang mga magulang. Hanggang itong nakaraang linggo ay muli silang nagkita ng kanyang daddy at nagkaharap.  

April 29 nagkita ang dalawa sa Mindoro kung saan may show si Kim at doon nakabase at nakatira ang ama. Kasama sa birthday wish list ni Kim na magkaayos sila ng kanyang ama kaya’t pinuntahan agad ni Kim ang kanyang tatay matapos ang kanyang commitment. Pagbaba pa lang ng sasakyan agad daw nagyakap ang dalawa, nagkamustahan at nagusap.