• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto on family issues: 'Away pamilya 'to, di dapat i-sa publiko'

Gretchen Barretto on family issues: 'Away pamilya 'to, di dapat i-sa publiko'

The actress breaks her silence on 'The Buzz' regarding her feud with mother Inday and sister Claudine.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/5/2013 8:45 PM
Gretchen Barretto on family issues: 'Away pamilya 'to, di dapat i-sa publiko'


050613-gretchen_main.jpgBilang guest co-host ng The Buzz ngayong Linggo, kapalit ni Charlene Gonzales, di naiwasan ni Gretchen Barretto na matanong ukol sa mainit na issue na away ng kanilang pamilya. Matatandaan na nagbitaw ng maanghang na salita ang ina ng aktres na si Inday Barretto dahil sa umano’y paninira daw ni Gretchen sa bunsong kapatid na si Claudine. 

Nang tanungin ni Boy Abunda si Gretchen kung may nais ba itong sabihin sa alitan, di napigilan ng aktres na maluha habang nagsasalita. “Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi madali yung pinaguusapan ka ng buong pilipinas. Hindi madaling pakinggan yung pinagdaanan ko. Away pamilya ito Boy, di dapat isa publiko. It took for me so long to learn so many things. I learned this week that a tight embrace means the world to me. I learned na marami rin palang nagmamahal sa akin. I also learned that life is not perfect and I can’t have everything.”

Sinabi rin ni Gretchen ang tanging mahalaga sa kanya ay alam ng anak niyang si Dominique ang katotohanan at wala na siyang ibang sasabihin pa. “Boy, ayoko magsalita. Dominique, my daughter, knows my story. Many years from now, lilingunin niya itong nangyari sa akin, maalala ni Dominique na my mom never fought. And that’s what’s important to me. ‘Yun ang importante. That’s what I want to leave behind.”