• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice's family not happy with the current changes in her appearance

Charice's family not happy with the current changes in her appearance

The singer remains mum on the big question regarding the change in her physical appearance and her sexual orientation.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/5/2013 8:43 PM
Charice's family not happy with the current changes in her appearance


050613-charice_main.jpgPaglutang ng mga larawan sa Internet, sari-saring kontrobersiya ang nakasangkutan ng singer na si Charice ukol sa pagbabago sa kanyang itsura. Short hair at pormang lalaki ang Charice na tumambad sa pictures na kumakalat sa ilang social networking sites. Nanggaling daw di umano sa mismong Instagram account ni Charice ang mga ito pero nang mag-research ang The Buzz ay tila dinelete na ang mga ito. Nawawalan ang career sa International scene di pabor ang pamilya. 

Lalong tumindi ang usapin tungkol dito nang mabasa ang ilang reaksyon ng kanyang inang si Raquel sa Facebook. “Isa lang ang pangarap ko sa inyo, ang makita bago ako mamatay na nasa ayos kayo. Bakit di niyo ako maintindihan, Ming at Asiong Carl? Mahal na mahal ko naman kayo. Sana maramdaman niyo yun.

Tinawag na kanser  ni Raquel ang mga taong nakapaligid kay Charice na di umano’y lumalason daw sa utak ng singer. Apektado daw siya sa mga nangyayari sa kanyang anak ayon pa sa ilang posts nito sa Facebook. “Kung nakikita mo ang anak mo na naghihirap, nalilihis ng landas, apektado pa rin tayo kahit aliwin natin ang mga sarili natin. Maiisip at maiisip natin kasi karugtong ng buhay nila ang buhay natin.

Lumutang din ang mga larawan na kasama ni Charice ang isang babae na di umano’y kanyang girlfriend na nag ngangalang Charmaine Dagitao. Subalit nagreact ang kanyang ninong at isang kolumnista na si Bum Tenorio na si Charmaine ay girlfriend ng kanyang pamangkin na si Niccolo Tenorio. Paliwanag sa Twitter account ni Bum girlfriend ng pamangkin niya si Charmaine at binibigyan ni Charice ng singing lessons si Niccolo kapalit ang pagawa ng ilang errands para sa singer tulad ng pag-dadrive. Naging malapit daw ang dalawa dahil naging best friend ni Charice ang yumaong kapatid ni Niccolo na si Nikka nung sila’y mga bata pa. 

Nagbigay din ng update si Bum para sa mga taga-hanga ng singer. “Charice is very happy and content with her life now. She knows June will be a happier month for her in LA. Charice says she remains grateful to her bashers. Tulog-tulog din pag may time she says to those who bash her even in wee hours. Charice told me in the car that her twitter account was hacked for a few days and now she’s back to lurking. Lovers and bashers make her smile. “

Binalita din nito ang mga bagong tattoo ni Charice na nangangahulugan na “I cry because it hurts” at “Let’s start with forever.” 

Taliwas sa masayang update ni Bum ang nararamdaman ng Lola Tess ni Charice, ina ni Raquel, tungkol sa pagbabago ng itsura ng kanyang apo. “Lahat naman yan anak nauunawaan ko dahil mahal ka sa kin. Pero ‘wag mo naman anak dumihan ang sarili mo, ang katawan mo. Nung maliit ka, ni di kita padapuan sa lamok, lumaki ka wala kang peklat.”

Dagdag pa nito ay labis siyang nasasaktan sa pagbabago na nangyayari sa singer. “Sana ang lahat ng Chaster ng aking anak, ng aking apo, ay ituro niyo ang tama kay Charice. Pinalaki ko siya, tapos tatanungin niyo ako ‘Nanay bakit ganoon ang itsura ng apo niyo ngayon?’ Gusto ko umiyak, masakit, gumuguhit, nahihiya rin ako. Hindi ko pinagkakahiya ang pagkatao ng anak ko, ng apo ko. Ang nahihiya ako doon sa bakit nagkaganyan siya. Ibalik lang niya ang dati.” 

Nanawagan si Lola Tess kay Charice na sana’y making ito sa kanyang ina at unahin ang making sa kanilang pamilya. “Mahal ka ng mommy mo Charice. Masakit sa aming lahat ang itsura mo ngayon anak. Gusto kong maging maayos ang pamilya natin. Ang mommy mo anak, iba na, down to earth na siya. Naawa na ako sa kanya. ‘Wag mo na sirain ang pamilya mo.

Nakikita sa ilang events si Charice pero nananatili itong mailap sa press. Tumanggi din magbigay ng personal na pahayag si Raquel.