• Home
  • Fresh Scoops
  • Shamcey Supsup and Venus Raj speak in defense of Janine Tugonon

Shamcey Supsup and Venus Raj speak in defense of Janine Tugonon

Shamcey Supsup and Venus Raj say that bashers should just leave Janine Tugonon and her boyfriend to work out their problems in private.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/3/2013 8:14 AM
Shamcey Supsup and Venus Raj speak in defense of Janine Tugonon


050313-shamceyvenus_main.jpgSa isang event, natanong ang mga beauty queens na sina Venus Raj at Shamcey Supsup tungkol kay Janine Tugonon na dumaan sa isang breakup. Sa panayam ni Venus, ipinagtanggol niya ang kaibigan. Aniya, “Tinext ko siya, kinamusta ko siya. Okay lang naman daw siya. Sa mga bashers siguro i-guard din natin yung mga sarili natin. Tignan natin yung mga sinasabi natin kasi minsan nagiging judgmental na tayo. Kasi hindi na nagiging tama yung sinasabi natin sa ibang tao so tignan muna natin yung sarili natin bago tayo magjudge ng kapwa.”

Nagsimula ang lahat ng usapan patungkol sa Ms. Universe 2012 first Runner-up sa kanyang guesting sa programang Kris TV kung saan sinabi nito na hiwalay sila ngayon ng kanyang kasintahang si JP Santos. Dahil daw ito sa bokalista ng international band na The Script na si Danny O’ Donoghue na umani ng iba’t ibang reaksiyon. Lalo pa’t kasama at katabi ni Janine sa guesting na iyon ang kasintahan habang pinag-uusapan nila ang mga nangyari noong personal na nakilala ni Janine ang bokalista.

Para naman kay Shamcey, mas magandang iiwan na lang kina Janine at kay JP ang usapan at hayaan sila sa kung ano ang mapagdesisyunan nila. Aniya, “Siguro what I can say to that is its their personal life. Siguro naman kung sa inyo mangyari yun ayaw niyong pag-usapan kayo ng ibang tao so hayaan na natin sila. I think give them their privacy na lang ang hirap talaga na to be in the public eye kaya yun sana tigilan na nila yung bashing. Hayaan na lang sila sa desisyon nila.”

Kasama din ni Shamcey sa okasyon na yun ang fiancé na si Lloyd Lee. Kaya naman nang matanong ang magkasintahan kung paano nila napapanatiling maganda ang kanilang samahan, “Siguro ano for us love kasi is not just an emotion. It’s a commitment everyday. You have to commit to love the person. Yun yung feeling ko na why it kept is stronger.”

Sinang-ayunan din naman ito ng kasintahang si Lloyd. Aniya, “Kasi kay Sham, sa simula pa lang alam ko na yung ugali niya. She is a very different person, yung kung paano siya mag-isip, yung values niya, yung principles niya. So kumbaga kapag maghahanap ka ng partner, ang importante muna hindi yung panlabas kailangan yung panloob.”