• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino reveals Joshua's 18th birthday celebration plans

Kris Aquino reveals Joshua's 18th birthday celebration plans

Kris shares their out of the country plans for her eldest son's birthday celebration.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

5/3/2013 11:47 PM
Kris Aquino reveals Joshua's 18th birthday celebration plans


050413-kris_main.jpgIbinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang plano niya para sa ika-18 kaarawan ng kanyang panganay na anak na si Joshua Aquino.

Si Joshua ay anak ni Kris sa dating karelasyon na sa Philip Salvador.

Sa kanyang programang "KrisTV," sinabi ni Kris na pamamasyal sa labas ng bansa ang gagawin nila para sa birthday ni Joshua o Josh.

"Can you believe Josh is turning 18? I have an adult," paunang sambit ni Kris sa kanyang guest co-host na si KC Concepcion. 

"We are going to Singapore (and) we are sharing this to you. Ire-reveal ko na, part of the second anniversary of 'KrisTV' makikita niyo 'yung biyahe namin, " ani Kris. 

Maliban sa Singapore ay magtutungo din ang mag-iina sa Malaysia kung saan bibisitahin nila ang Legoland at Hello Kitty Land.

"We are going to Johor in Malaysia where Legoland is. Tapos may Hello Kitty Land din pero care ng mga anak ko. For me, ako 'yon," aniya.

Maliban sa mga theme parks ay magku-cruise din ang mga Aquino. 

"I love cruises because itong cruise na ito has the Dreamworks Experience. Nandiyan si Shrek at si Madagascar. Tapos sa Singapore may bagong rides sa Universal Studios."

"So abangan niyo po 'yan. By third week of June, makikita niyo yung entire trip namin pati that cruise."

Ayon kay Kris ang bakasyon nila abroad ay para sa kaligayahan ng kanyang mga anak.