KC Concepcion exchanging tweets with NBA player

The actress remains mum regarding her closeness with Chandler Parsons.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

5/3/2013 2:20 PM
KC Concepcion exchanging tweets with NBA player


050313-kc_main.jpgTikom ngayon ang bibig ng actress-host na si KC Concepcion sa balitang nag-uugnay sa kanya kay Chandler Parsons na isang NBA player.

Nitong linggo sunod-sunod ang naging pasaring ng Queen of All Media Kris Aquino kay KC na di umano ay nakikipagpalitan ng tweet sa isang basketbolista.

Ayon pa kay Kris, isang manlalaro mula sa grupo Houston Rockets ang nali-link ngayon kay KC.

"Sinabi mo na ang Houston Rockets may laro today? Wala namang masama kung may laro sila. If they win, may chance pa silang tumuloy. Kung matalo, tanggal na, babu. So, darating na siya rito kung matalo," ani Kris.

Ayon naman kay KC, tanging pakikipagkaibigan lang ang mayroon siya para sa nasabing basketbolista. 

"Ay, ano ba yan? Friends, friends. Fun fun lang."

Bago pa ang panunukso ni Kris kay KC, una nang napansin ng ilang Twitter users ang di umano ay palitan ng tweets ni KC at ni Chandler. 

Isa si Parsons sa higit dalawang milyong followers ni KC sa Twitter.