Sa kanyang launch din nabukas ang usapin tungkol sa relasyon niya sa kanyang ama, ang aktor na si Dennis Padilla. Unang klinaro ni Julia ang mga balitang lumabas na diumano’y hindi sang-ayon ang kanyang ama sa pagpasok niya sa show business. Ayon kay Julia, “Actually hindi naman sa ayaw niya, nakausap ko siya about that. Ever since naman nung bata ako siya pa yung supportive about acting. It’s okay with him so siguro kapag nasabi ko sa kanya about Cofradia sobrang mae-excite yun.”
Sa katunayan, ayon sa ilang mga press, nang kapanayamin nila si Dennis, sabi nito na ang anak na si Julia ang susunod na Claudine Barretto. Kaya naman nang hingan ng reaksiyon ang dalaga tungkol sa sinabing ito ng ama, “Wow! Grabe sobrang compliment yun kasi ‘di ba my Tita Claudine napakalaki niyang.. napakagaling niyang actress tapos yun nga nakakaflatter siya kasi sinasabi na rin na magiging magaling ako. Thank you, Papa!”
Hindi na rin niya nais kumomento pa sa sinabi ng kanyang ina kamakailan lang. Ayon sa mga press na nasa launch, nang makausap nila si Marjorie sinabi nito na wala na silang komunikasyon ng dating asawa na si Dennis at hindi rin ito nagpapadala ng suporta sa kanilang mga anak. Ang nasabi na lang ni Julia tungkol dito, “Look at me naman napaka-okay ko, napaka-happy ko. Wala talagang time for sadness, walang time for anything, let’s stay positive in life and hindi ko na yun problem sa kanila na yun.”
Nilinaw ni Julia na maayos ang relasyon nilang magkakapatid sa kanilang ama. “Okay kami, my siblings and yung Daddy namin.”
Ngunit aminado si Julia na hindi sila masyadong nagkikita ng ama dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga schedule. “I have been busy tapos siya din nag-campaign siya tapos gumagawa ata siya ng movie di ba? It depends talaga sa schedule namin.” At tungkol sa huling pagkikita nila ng kanilang ama. “I’m not sure when. Siguro a few months back before siya mag-start na mag-campaign.”
Ngunit pagdating sa kanyang pag-aaral, isa ang kanyang ipinangako hindi lang sa ama at ina kungdi maging sa sarili, na kahit nag-aartista ay itutuloy niya ang kanyang pag-aaral. “Promise ko yun sa Mom and Dad ko, and promise ko yun sa sarili ko kasi I myself I want to finish talaga my studies at saka two years na lang.”