• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria and Richard Yap share their thoughts on Ser Chief and Maya's love story

Jodi Sta. Maria and Richard Yap share their thoughts on Ser Chief and Maya's love story

Jodi Sta. Maria and Richard Yap talk about how the romance between Ser Chief and Maya will develop in 'Be Careful With My Heart.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/28/2013 10:07 AM
Jodi Sta. Maria and Richard Yap share their thoughts on Ser Chief and Maya's love story


052813-jodirichard_main.jpgNasaksihan ng buong bayan ang love story ni Maya at ni Ser Chief sa Be Careful with my Heart at ngayong opisyal nang magkarelasyon ang dalawa, tuloy-tuloy ang kanilang pagpapakilig sa buong bayan.

At ngayon ngang bukas na sa pagsasabi ng “I love you” ang dalawa sa isa’t isa, masaya din si Jodi sa kinapuntahan ng relasyon ni Maya at ni Ser Chief. Aniya, “Well ako honestly happy ako for Maya and Sir Chief siyempre lumevel up na sila ‘di ba? I’m sure gustong-gusto yun ni Maya kasi matagal niya nang inaasam yun. Ayun saka nakakatuwa kasi yun din naman ang gusto ng mga manonood natin ‘di ba? Yun din ang inaabangan nila so kung ano man yung gusto nila yun yung ibibigay natin sa kanila.”

Kahit si Richard ay natutuwa na ngayon ay may katuwang na rin si Ser Chief sa buhay. Nagbahagi din siya ng ilan sa mga aabangan ng sambayanan sa love story nila ni Maya, “Siyempre kung sa next level na kung merong ‘I love you’ meron ding tampuhan, merong LQ-LQ so to spice things up so expect more of those things.” Dagdag din ni Jodi, “Siguro kung ano ang normal na nae-experience ng dalawang taong nasa relasyon hindi din naman nalalayo doon yung mangyayari kay Maya at Ser Chief siyempre ‘di ba?

At isa pa rin sa pinag-uusapan ng buong bayan ay ang pagtawag ni Maya kay Ser Chief ng “Chi-ko” na shortcut ng “Chief Ko.” At maging dito ay naaaliw na ibinahagi ni Jodi ang kanyang opinyon tungkol kay Maya. “Alam mo hindi ko alam e kasi si Maya maraming gustong mangyari sa buhay niya. Gusto niya ‘Buko’ para daw ‘buhay ko.’ Meron siya ‘Be-ko’ para ‘baby ko’ meron siyang ‘Chiko’ kasi ‘Chief ko’ tapos meron din siyang Babe pero ewan ko tignan natin. Siguro para kay Maya kung saan mas magiging kumportable si Ser Chief yun ang gagawin niya.”

Ani Richard, “Nade-develop pa lang yang tawagan na yan, pag-uusapan pa namin yan.” Kaya naman sa tanong na kung para sa kanya mismo, ano ang nais niyang itawag sa kanya, nangingiting sagot ni Richard, “So far wala pa.” Hanggang sa nagkatuksuhan na ang dalawa at nagkabiruan sa kung ano ang dapat na itawag ni Maya kay Ser Chief. Kumento ni Jodi, “Baka naman gusto mo Dad, Papa? Ang tanda naman ni Ser Chief.” At ang agad na dugtong ni Richard, “Tapos ang tawag ko sa kanya ‘anak,’” hanggang sa sabay na ang dalawang nagtawanan na kitang-kita ang chemistry at pagiging kumportable sa isa’t isa, on and off screen.

At sa lahat ng mga tumatangkilik at sumusuporta sa kanilang tambalan, isa lamang ang nais nilang malaman, kung sa kasalan din ba mapupunta ang relasyon ni Ser Chief at ni Maya. Ayon kay Jodi, “Depende sa takbo ng istorya, depende. Yun ang dapat nilang abangan.” At sa tanong na kung pangarap ba ni Maya na makasal, “I think hindi lang si Maya, siguro lahat naman ng mga babae yun ng dream di ba?

Isa rin sa mga inaabangan ng sambayanan ang napapabalitang paggawa ng movie version ng serye, ngunit maging ang dalawa ay ayaw magbigay ng detalye tungkol dito. Kaya naman ang muling nangingiting sagot ni Jodi, “Hindi pa namin alam. We don’t want to spill the beans.”