• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil on wedding plans with Angel : 'I don't know when, I just want know I want to be with her'

Phil on wedding plans with Angel : 'I don't know when, I just want know I want to be with her'

Phil Younghusband plans to remain a supportive boyfriend to actress Angel Locsin.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/26/2013 9:00 PM
Phil on wedding plans with Angel : 'I don't know when, I just want know I want to be with her'


052713-phil_main.jpgKamakailan ay nanalo si Angel Locsin ng Film Actress of the Year award sa 44th Box Office Entertainment Awards para sa pag ganap niya sa pelikulang “One More Try.” Kasama niyang dumalo ng event ang kanyang boyfriend na si Phil Younghusband at sinabi ng aktres wala na siyang ibang hihilingin pa dahil napaka supportive ng football player sa kanya. “Iba, di ba ito na nga nanalo ka na ng award tapos binigyan ka pa ni God ng ganito kagwapo, ganito kabait na boyfriend. I’m happy.” 

Wala pa man plano ang dalawa para sa kanilang nalalapit na first anniversary bilang magkasintahan ay sinurpresa naman ni Phil si Angel sa pageffort niya sa pagkuha ng autograph ng Hollywood actor na si Vin Diesel, nang dumalo ang aktor sa Asian premiere ng “Fast and the Furious 6” dito sa bansa. “Bumili ako ng toy car so I can get a sign from Vin Diesel kasi fan siya ni Vin Diesel. So I wanted to get her a gift. So di niya alam na gusto ko gawin yun. She didn’t know I would do that. Surprise lang yun. I waited in line and was asking everyone to help me get the autograph. I would do anything for Angel. I’m so happy she liked it.” 

Sa tanong kung may balak na ba silang magpakasal ni Angel, dineny ni Phil na maroon na silang mga plano. “Not yet. As I say, I want to be with Angel but I haven’t proposed yet. In the future, I plan to but there’s no plan yet.” Sinabi din ni Phil na di totoo ang balitang niregaluhan niya ng singsing ang aktres. 

Mabilis din ipinaliwanag ni Phil na sinusuportahan niya ang career ni Angel bilang artista kaya malabo pa na magpakasal sila in the near future. “I don’t know. She’s with ABS (CBN). She still has her career and I want to support her there so this year’s probably too soon. I don’t know when, I just know I want to be with her.”