• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on his relationship with Maja Salvador: 'Wala naman dapat itago'

Gerald Anderson on his relationship with Maja Salvador: 'Wala naman dapat itago'

The actor believes it's about time people knew he and Maja are officially an item.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/26/2013 9:09 PM
Gerald Anderson on his relationship with Maja Salvador: 'Wala naman dapat itago'


052713-gerald_main.jpgDati ay mailap sina Gerald Anderson at Maja Salvador tungkol sa estado ng kanilang relasyon matapos lumabas ang ilang larawan nilang magkasama sa bakasyon at naging isyu pa dahil nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ni Maja at ni Kim Chiu, na siya naman ex-girlfriend ni Gerald. 

Subalit nitong recent celebration ni Maja ng kanyang 10th year anniversary sa showbiz ay tumuntong ng stage si Gerald at nagbigay ng bulaklak sa aktres. “Thank you dumating ka sa buhay ko,” ang nasambit lamang ni Maja sa ginawang ito ni Gerald. Dati pa din kasi tinanong si Maja tungkol sa bagay na ito subalit pinili niyang tumahimik na lamang. 

Taong 2004 noong unang magkita si Gerald and Maja sa ASAP Fanatic at di pa artista noon ang aktor. 2006 nagkaroon ng chance magkatrabaho ang dalawa sa “First Day High” pero di naman sila naging ganoong kalapit. At after 7 years nagulat na lang ang lahat sa pag lalantad na ito ni Gerald sa June issue ng Star Studio Magazine. “Oo, in love ako sa kanya. In love ako kay Maja Salvador. She’s my girlfriend,” madiin na sagot nito sa panayam. Mabilis daw ang mga pangyayari at narealize ni Ge (palayaw ni Gerald) na unti-unti na siyang nagkakagusto sa aktres. “Sobrang swabe. That it just fell into place. Siguro nakita niya sa akin na gusto ko siya and she could potentially be my girlfriend.” 

Sa pag amin na ito ni Gerald tila sinasabi niya wala siyang pakialam sa mga kumikilatis ng kanilang relasyon. “Nararamdaman ko na yung feelings na parang gusto ko siya. Bakit ko pipigilan? Bakit ko hahayaan na mawala pa siya sa akin, just because of the backlash from people? They can say what they want. Who are they to judge?” 

Nagbigay din ng komento si Gerald sa naging reaksyon ni Kim sa mga pangyayari. “The person that’s hurting because of our relationship, is someone I cared for also. Hindi po maiiwasan na hindi rin po ako masasaktan. All I can say about the situation is napakahirap. The only way to get through this is being mature enough about it and just keep moving forward. And being happy for the person you love. And being happy for the other person.”

Sa exclusive interview din ng “The Buzz” tungkol sa bagay na to, sinabi ni Gerald na panahon  na para sabihin niya ang totoo para sa ikakatahimik ng lahat. “It’s about time. It’s the right time kumbaga di na dapat tinatago na. Tsaka for everybody’s peace of mind. Wala naman dapat itago.” 

As for the details of their relationship, hiniling ni Gerald na sana ay sarilinin na lang muna nila ni Maja ang mga bagay na ganun tulad ng kung kelan siya sinagot ng dalaga. 

Ayaw pa magbigay ng comment ni Maja tungkol sa pasabog na ito ni Gerald ngunit mas naging open na ang “Ina Kapatid Anak” star sa kanyang Instagram account tungkol sa relasyon niya sa aktor. Nagpost ng larawan ni Gerald sa Cannes si Maja kamakailan lang at may caption ito na, “I’m so proud of you,” simpleng pagpapakita ng pagtatangi sa aktor.