• Home
  • Fresh Scoops
  • AiAi Delas Alas is considering filing a case against Jed Salang

AiAi Delas Alas is considering filing a case against Jed Salang

The actress has already filed a protection order against her husband.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/26/2013 9:11 PM
AiAi Delas Alas is considering filing a case against Jed Salang


052713-ai_main.jpg
Ayon sa abogado ni AiAi Delas Alas na si Atty. June Ambrosio, kasalukuyan pang iniisip ng kanilang kampo ang pagsasampa ng kaso laban kay Jed Salang. Ito ay kaugnay umano sa pananakit nito sa aktres na lumalabag sa Republic Act 9262 o Anti-violence to Women and Children Act. Tanging Petition for Protection Order ang isinampa ni AiAi noong Friday, May 23, sa Quezon City Regional Trial Court, na nagbabawal kay Jed na lumapit o makipagugnayan kay AiAi. 

“100 to 500 meters and he cannot go near AiAi, her designated family members, staff members, household members. He cannot call her, he cannot talk about the case, he cannot talk about her. Parang gag order din yan,” paliwanag ng abogado.  

Maiseserve daw malamang ang order baka nitong Lunes or Martes dahil dadaaan pa ito sa proseso at na ifile din ng weekend sa korte. Sa usaping third party, pinaguusapan pa daw ni AiAi at ng kanyang abogado kung ano ang hakbang na gagawin nila dito. 

Isa pang mainit na pinagusapan ang controversial na regalong kotse ni AiAi sa asawa na diumano’y nagkakahalaga ng three million pesos. Lumutang sa net ang larawan ng sasakyan na ipinapalagay na galing sa Instagram account ni Jed bago pa man naganap ang gulo. Dahil sa mga batikos ay binura na ngayon ni Jed ang account na ito sa social networking site. Ang litrato ay may caption na, “Thank you baby, for the husband gift. I love you so much. New car, new shoes. Meet Bugsy Camill.” 

Ayon kay Atty. Ambrosio mismong si Jed daw ang nagbalik ng sasakyan at hindi ito binawi ni AiAi tulad ng mga nababalita. “Binigyan siya ng option, si Jed, either ibalik niya or bahala siya magtuloy ng amortization. Eh siguro di naman niya kaya ituloy yung bayad, binalik na lang niya. Di binawi ni AiAi. Si Jed ang nagbalik kasi di niya kayang bayaran yun kasi installment naman po kinuha yan.” 

Dahil ayaw na nga ni AiAi ng anumang ugnayan sa asawa, ibang tao  ang nakipagusap kay Jed para maibalik ang sasakyan. Kasalukuyang binebenta na rin daw ang sasakyan. 

Sa “The Buzz,” ay inihayag naman ng host na si Boy Abunda na nakipag-usap na sa kanya si Jed tungkol sa mga bagay na ito ngunit ayaw nitong magbigay ng pambulikong pahayag. Pati rin daw si AiAi ay ayaw nang pagusapan ang isyu para daw matahimik na din ang kanyang kalooban, pati na rin ang kanyang pamilya.