Ai Ai delas Alas moving on from controversy

The actress appeals to her supporters from her Instagram account to move on from her break up with husband Jed Salang.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

5/24/2013 3:23 PM
Ai Ai delas Alas moving on from controversy


052413-aiai_main.jpgTila nakakabangon na sa kalungkutan ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas matapos ang kanyang pakikipaghiwalay sa asawang si Jed Salang.

Sa Instagram account nito, umapila na ang aktres sa lahat ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya na umusad na sa kontrobersiya.

"SA LAHAT NG MGA NAGMAMAHAL SAKEN... LETS ALL MOVE ON AND WELCOME MY NEW LOVES... SHIVA AND SOHAN...TILL DEATH DO US PART :):) tnx Sanch labyu nak... LABYU ALL," ani Ai Ai sa caption ng larawan na nagpapakita ng kanyang mga bagong alagang huskies.

Sa Instagram, sinabi ni Ai Ai na kahit pa nasaktan siya ay may natutunan naman siyang magagandang bagay.

'PAIN IS A SUDDEN HURT THAT CANT BE ESCAPED. BUT THEN I HAVE ALSO LEARNED THAT BEC OF PAIN I CAN FEEL THE BEAUTY,TENDERNESS AND FREEDOM OF HEALING... LETS TURN NEGATIVE THINGS INTO POSITIVE...minsan ok lang kung nasaktan tayo kesa tayo makasakit...nite everyone... TO GOD BE THE GLORY!!! :):) kiss to all .. MAHAL KO KAYONG NAGMAMAHAL SAKEN NG TAPAT ....salamat sa inyong lahat," ani Ai Ai.

Matatandaang noong nakaraang Linggo sa "The Buzz" ay sinabi ni Ai Ai na dahilan ng hiwalayan ay ang pananakit sa kanya ng asawa.

Inamin din nito na bukod sa pananakit ay mayroon ding third party involved sa nangyari.

Hanggang ngayon ay wala pa ding reaksyon si Jed, isang businessman sa nasabing isyu.