• Home
  • Fresh Scoops
  • The men of the teleserye 'Annaliza' talk about their roles, their craft, and fatherhood

The men of the teleserye 'Annaliza' talk about their roles, their craft, and fatherhood

Zanjoe Marudo and Patrick Garcia share that they enjoy portraying father roles.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/23/2013 8:37 AM
The men of the teleserye 'Annaliza' talk about their roles, their craft, and fatherhood


052313-zanjoe_main.jpgSa nakaraang press conference ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Annaliza, ipinakilala ang mga leading men na gaganap sa mga mahahalagang karakter sa nasabing serye. Masayang humarap sa mga press sina Carlo Aquino, Patrick Garcia at Zanjoe Marudo at nakipagkwentuhan sa kung ano ang bagong aabangan sa kanila ng kanilang mga taga-suporta.

Maligaya si Patrick sa kanyang pagganap bilang tunay na Ama ni Annaliza. Aniya, “To be given a chance again to play a father role siyempre nakakatuwa…I’m, personally, a father, so in a way nakaka-relate ako sa mga ganun. And thank you sa ABS-CBN sa tiwala na binigay nila sa akin to do this role.” Ibinahagi din ni Patrick na lalo pa siyang nag-eenjoy sa mga roles bilang bagong ama siyang muli sa anak na babaeng si Chelsea na three months old.

Masaya man si Patrick sa mga roles na naibibigay sa kanya, aminado siyang pumipili din siya ng kanyang mga gagampanan. At ang isa sa mga hindi niya kayang gawin ay, “Meron, yung pagpapasexy siguro.”

Hindi pa man din ama sa totong buhay, aminado si Zanjoe na nae-enjoy niya ang pagganap sa ganitong klaseng mga roles. Ibinahagi niya rin ang kwento sa likod ng pagtanggap niya sa proyektong ito. “Hindi ko naman talaga plinano na gumawa ng tatay role kasi siyempre umaasa pa rin tayo na marami pa rin tayong maggawa na mga challenging roles pero nung pinitch sa akin itong istorya grabe nai-imagine ko na agad kumbaga kine-kwento pa lang nai-imagine ko na yung mga mangyayari. Kahit na wala pa naman akong anak sa totoong buhay parang nararamdaman ko, na siyempre nasa tamang edad na rin naman ako, na gusto ko na talaga magka-anak. Pero dahil hindi pa pwede, dito sa Annaliza, nararamdaman ko na bilang tatay kahit man lang sa show. Saka fan ako ng mga pelikula at show na tungkol sa mga tatay o magpapamilya. Fan talaga ako, dun ako nato-touch lagi.

“Emotionally handa na talaga ako pero siyempre kailangan nasa tamang oras, tamang panahon saka magiipon pa ako. Marami pa akong dapat pag-ipunan. Hindi naman yun basata binibigla, pinag-iipunan yun. Marami pa akong kailangang gawin,” dagdag pa ni Zanjoe.

At kahit na sa ngayon ay nalilinya siya sa mga father roles, hindi pa rin naman niya sinasara ang kanyang pinto sa pagganap ng mga pa-cute o sexy roles. “Oo naman, sexy pa naman ako. Kahit naman na nagkakataon lang naman kasi na nagsisimula ako yun yung mga nabibigay sa akin na project. Tapos ngayon nabigyan ako ng ganitong klase, na napaka-challenging at napakagandang role sa Annaliza na kailangan na mapatunayan ko sa tao yung pagmamahal sa anak ko. Tapos kung after nito bibigyan ako ng ibang characters kunwari remake ng Scorpio Nights okay lang din. Kahit naman anong roles ang ibigay lalo na kapag naniniwala naman ako dun at kaya ko naman gampanan, Machete, mga ganyan, mga superhero ganyan. Ang sarap kasi maglaro-lalo na kapag malayo sa character mo, ang sarap umarte na hindi ikaw, na ibang tao ang ginagmapanan mo. Parang mas masarap gawin.” 

Sa pagbabalik ni Carlo sa kapamilya network, natanong ang aktor kung kuntento na ba siya, na kung noo’y kabilang sa love team o sa isang grupo, ngayon ay mas nalilinya na siya sa mga supporting roles at character acting. “Masaya para mabigyan ng pagkakataon na makabalik po tapos Annaliza pa, maligayang-maligaya ako. Wala namang problema sa akin yun kasi nasa tamang edad na rin naman na po ako, 27 na ako.”