Kris Aquino says PNoy supports AiAi Delas Alas

The actress-host says the President was texting her friend words of encouragement even during the elections.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

5/21/2013 2:17 PM
Kris Aquino says PNoy supports AiAi Delas Alas


052113-kris_main.jpgNagpakita ng suporta ang Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas na ngayon ay humaharap sa bagong pagsubok matapos nitong makipaghiwalay sa asawang si Jed Salang.

Nito lamang Linggo sa "The Buzz," inamin ni Ai Ai na tinapos niya ang halos isang buwang pagsasama nila ni Jed bilang mag-asawa nang iwanan niya ito noong May 2.

Ani Ai Ai, ang pananakit ni Jed ang nag-udyok sa kanya para iwan ito. 

Sa episode ng "KrisTV" nitong Martes, inamin ng kaibigan ni Ai Ai na si Kris na nagpakita ng pagsuporta ang Pangulong Aquino sa pinagdadaanan ngayon ng kaibigan. 

"Ai Ai told me na mag-thank you daw ako because she failed to do it on 'The Buzz, 'friendship, sabihin mo thank you kay brother President.' Kasi she is really close to our family. Sa gitna ng bilangan (sa eleksyon) Noy was even texting her and asking her kung kamusta na siya, at kung may kailangan pa  ba siya," pahayag ni Kris. 

Pag-amin ni Kris, masakit na makitang nagdurusa ang kanyang kaibigan. 

"Mahal na mahal namin si Ai Ai. It just broke my heart to see her in so much pain. Ang nangyari kasi isang buwan. Maraming nalaman in that course of one month,"  dagdag ni Kris.

Maliban sa pinagsamahang pelikula na "Sisterakas," kapwa judge ng "Pilipinas Got Talent" si Kris at Ai Ai.