• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao had plans to enter a convent and become a nun early this year

Shaina Magdayao had plans to enter a convent and become a nun early this year

During her out of the country birthday trip, the actress was already considering becoming a nun.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/2/2013 3:30 PM
Shaina Magdayao had plans to enter a convent and become a nun early this year


050213-shaina_main.jpgMailap si Shaina Magdayao pagdating sa mga panayam sa kanya na may patungkol sa napagdaanan niya sa kanyang buhay pag-ibig. Kaya naman nang mabuksan ang paksang ito, natanong kung kamusta ang nagdaang taon para sa kanya. Matatandaang ang taong 2012 ang taong tuluyan na silang naghiwalay ng dating kasintahang is John Lloyd Cruz. “Mahirap na maganda. Challenging na maganda kahit muna siguro, kahit na nahirapan ako sa taon na yun gusto ko na lang tignan in a positive way na nahirapan man ako marami naman akong natutunan at hindi ako magiging ako ngayon kung hindi ko po napagdaanan yun. Kaya nagpapasalamat na rin po ako pero siyempre I am hoping na mas magiging maganda ang taon na ito sa akin and so far mas maganda nga naman talaga siya. “ 

Napansin na ng ilan na mahilig magbiyahe si Shaina at naibahagi niya na rin sa panayam na ito ang ilan sa kanyang mga nasaksihan habang limang araw na nasa Paris, na naging konklusyon ng ilan na tuwing may pinagdadaanan siya ay kinukuha niya ito sa pagbiyahe sa ibang bansa. “Ginagawa ko talaga yun hindi po yun yung first time na ginawa ko. Two years ago, nagpunta din ako ng Germany at Austria mag-isa, nagtour ako for two weeks… itong birthday trip na ito lagi akong blessed kapag umaalis ako for my birthday. Pinuntahan ko si Padre Pio dahil devotee niya ako so for five days lang po ako dun sa Paris habang katatapos lang ng ‘Kung Ako’y Iiwan Mo’ kaya nasayangan po ako sa limang araw so umalis na po ako and while waiting for my family friend na isang devotee din ni Padre Pio. So from Paris nagpunta na kami ng Spain tapos pumunta na po ako kay Padre Pio para magpasalamat sa trip na yun para makapagpasalamat sa kanya kasi hindi niya ako pinabayaan.” 

Isa din sa mga inamin ni Shaina na habang nasa Paris siya noong mga panahon na iyon naisip niya pumasok ng kumbento at mag-madre na lamang. “Hanggang ngayon ka-text ko pa rin yung Mother Superior,” sabi pa ng aktres. “Itong trip ko na ito more on pasasalamat na kasi parang nalagpasan ko nanaman ang isang kabanata ng buhay ko and at the same time humihingi din ng guidance na mahanap din ngayong taon na ito. Ayun po at nagpapasalamat ako na marami akong na-meet na mga madre and yung mother superior lately. Kailan ba ito, nung January, from Italy, meron kasi silang base sa Davao so yung charity ni Father Pio sa Davao, mineet namin sila doon, madre ganun. Sinasabi ko sa kanila na less complications kapag nandun ako ayaw nila.” Ngunit ayon kay Shaina mismong ang mga madre ang tumatanggi sa kanyang pagkunsidera sa pagpasok sa kumbento. “Ayaw po nila kasi may mga Pinay din naman na mga madre so sabi nila bumalik daw ako dito at ipagdarasal na lang daw nila ang trabaho ko. Ayaw nila akong tanggapin.” 

Kaya naman sa kanyang dasal na gabayan siya ngayong taon na ito, naitanong din sa kanya kung handa na rin ba siyang umibig kung sakaling may dumating muli sa kanyang buhay, at ang kanyang naging pag-amin, “I think, pero I am just waiting for the right person. Siyempre normal po na may doubts ka pa, at may takot ka pang umibig ulit. Diba parang normal lang naman po na matakot kang umibig ulit dahil sa napagdaanan mo pero when the right person comes tatanggalin niya yun e, tatanggalin niya yung takot na yun, yung doubt na yun sa puso. So hinihintay ko lang yung tamang tao na dumating so habang naghihintay ako dito namuna ako, bantay-bantay muna ako.”