Sunshine Cruz says she is considering filing for annulment

In an exclusive interview on SIR, the actress says she's had enough of Cesar Montano's womanizing ways.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/19/2013 9:28 PM
Sunshine Cruz says she is considering filing for annulment


052013-sunshine_main.jpgIsang napakatapang na Sunshine Cruz ang humarap sa ekslusibong panayam ng Showbiz Inside Report matapos ang pakikipaghiwalay sa asawa na si Cesar Montano. 

Sa umpisa ng panayam, inamin ni Sunshine na isa sa mga rason kung bakit niya napagdesisyunang pumasok sa showbiz noon ay dahil sa naramdamang insecurity sa mga pinsang nauna nang pumasok sa industriya na sina Sheryl Cruz, Donna Cruz at Geneva Cruz, “Nandun yung insecurity, ‘Ang tagal, bakit ito lang ang ginagawa ko… how come there is no offer.’’’ Ngunit mukhang kapalaran na talaga ng aktres na mapabilang sa mundong ito dahil nagsunod-sunod na nga ang buhos ng mga proyekto sa kanya nang ni-launch siyang Regal Baby noong 90’s at kalauna’y nagdesisyon na magpaseksi. 

Sa panahon na rin na ito niya nakilala si Cesar Montano. Aminado si Sunshine na si Cesar ang una niyang naging karelasyon, ang una niyang pag-ibig. Umpisa pa lang ay kontra na ang kanyang mga magulang at ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa reputasyon noon ng aktor na lapitin sa mga babae. Ngunit hindi natinag ang kanilang pagmamahalan at inamin niyang bago pa man ang bongga nilang kasalan, nauna na silang nagpakasal na tinago nila sa kanilang mga pamilya. “Kinasal kami na walang nakakaalam. The first wedding was February.  It was a secret wedding.” Dagdag niya pa na nalaman na lang ng kanyang pamilya ang ‘secret wedding’ na ito kamakailan na lamang. “Hindi rin nila alam hanggang sa tatlo na yung anak ko they didn’t know that I was already married ng February. Kasi ang alam ng karamihan yung big wedding nung September, coverage pa noon ng ABS-CBN… nabatukan pa nga ako ng ate ko nung nalaman niya na kasal na ako e tatlo na ang anak ko nung inamin ko binatukan ako, sabi sa akin sinungaling ka.” 

Aminado si Sunshine na kahit kasal na sila ng asawa, hindi natigil si Cesar sa pagka hilig sa kababaihan. “Gwapo kasi yung asawa ko… so marami talaga na kahit na alam na may asawa…” At sa pagkaselosa niya dumating sa puntong nanunugod ito sa set ng shooting ng asawa at pinakikialaman ang cellphone nito. “Hindi mo mapigilan ang sarili mo na ‘sino si ganito, sino nanaman yan?’ Iyak ka nanaman, aamuin ka nanaman then after a few weeks or months meron nanamang iba. So hanggang sa dumating yung 13 years nga na I got tired and I thought I wouldn’t give up kasi I really wanted to grow old with him.” 

Sinabi ni Shine na ang kanyang mga anak ang dahilan kung bakit napagdesisyunan na niyang tuluyang makipaghiwalay, “Nung kids ko na ang nagsabi sa akin that something weird is happening… May nakita silang text message from a girl and they told me that I should talk to my husband kasi parang merong hindi tama.” 

Kaya naman sa tanong kung kinokonsidera niya ng mag-file ng annulment sa kasal nila ni Cesar, sabi lamang ng aktres, “For now wala pang annulment, everybody knows that wala pang annulment. Hiwalay lang kami ng bahay pero sa papel kami pa rin. But yeah, I am thinking about it and I am praying for it. I cannot say kung magkakaroon ng reconciliation or hindi magkakaroon pero I can honestly say right now that I am very, very happy.”