Naiyak daw si Marjorie ng kumprontahin niya ang kanyang ina sa telepono tungkol sa mga pangyayari. Pero pinaka nasaktan daw siya ng makisali sa gulo ang kanyang kapatid na si Gia, na matagal nang naninirahan sa US. “Pinakainiyakan ko kasi siya ang pinakawala dito. She’s been gone for many, many years. So siya yung talagang I felt had the least right to an opinion. So wala siya dito sa lahat ng hirap. I did, I’m very close to her. Sabi ko I was just a call away you could have called. Na brainwash siya. I felt betrayed and so very, very hurt with that. The most. Yung coming from her.”
Naawa daw siya kay Gretchen sa mga pangyayari at naniniwala siya na matagal pa bago mabuong muli ang kanilang pamilya. “This family feud? I don’t see that in the near future. To be honest, a lot of damage has been done. At ang masakalap dito Boy, ang daming nagkasakitan, walang na solve na problem. Yung totoong problema andyan pa rin.”
Although alam ni Marjorie ang puno’t dulo ng hidwaan ng kanyang kapatid at ina, ayaw na daw niyang palakihin pa ito. “Hindi pwede manggaling yun sa akin. Ayokong sirain ang pamilya ko. Makakasira ako…ayoko eh. Pamilya ko yan eh. Di dapat kami nag gaganyanan. Dapat nga nagpro-protektahan kami, di kayo naglalaglagan. That’s actually what I asked my mom, ‘Mom, what did you want to achieve?’ Di ko pwede sabihin. Nadivide lang kami.” Dagdag pa niya, marami na din daw kasing nasabing masasakit na salita at malabong magkaayos sila anytime soon. “Masyado akong pagod na. Napagod ako sa isyung ito. Na parang I want the space. Ok na siguro na ‘wag munang magkita-kita. Concentrate na lang ako sa mga anak ko, marami naman akong anak eh, sabi ko dito ko na lang pagbubutihin. There’ are some things that has to heal on its own. Hindi mo pwede pilitin masyado maraming masasakit na exchange of words.”
Dahil din sa mga nasabing salita ay nadismaya si Marjorie sa kinahinatnan ng imahe ng pamilya Barretto. “Di ko alam ano ang na learn namin Boy eh. Sabi ko nga when the dust settles, ano ang na-achieve namin? I still don’t see anong natutunan namin sa lahat ng ito. Naging parang bad example pa kami sa ibang tao. I’m sad. I’m really sad. We have reduced our family – parang to a joke. We really became a big joke. That’s painful eh. Family yan eh. They are the people you run to first kapag may problema ka. Hindi yung run a way from. Hindi yung tuwing may problema ka, sila yung huling nakakaalam. Dahil di mo nafe-feel na pro-protektahan ka.”