• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiai Delas Alas breaks down while admitting separation from husband Jed Salang

Aiai Delas Alas breaks down while admitting separation from husband Jed Salang

The actress says her new husband has become violent, prompting their split.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/19/2013 9:50 PM
Aiai Delas Alas breaks down while admitting separation from husband Jed Salang


052013-aiai_main.jpgNagumpisa magkaroon ng usapan tungkol sa paghihiwalay ng bagong kasal na si Aiai Delas Alas at kanyang asawang si Jed Salang nang magkaroon ng makabuluhang posts sa Instagram at mabura rin ang mga larawan nilang magasawa. Inamin ng Comedy Concert Queen sa isang exclusive interview sa The Buzz kay Boy Abunda na May 2 nang magdesisyon siya na hiwalayan ang kanyang asawa. “Di ko alam paano sisimulan. Alam mo yung buhay ko parang isang panaginip na masama tapos parang, ‘Oh nagising ako’ at grabe totoong buhay pala yung nangyayari sa akin. Actually Ama, buong, di naman buo, siyempre may masasayang moments din kami, pero the rest ng pagsasama naming na one year and three months, tinago ko yung lahat, lahat ng pangit kasi alam mo yun gusto kong mabuhay na parang fairytale yung parang sa instagram, masaya kami, happy kami kasi yun ang gusto kong mangyari. Yun ang gusto kong isipin, yun ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. Pero na decide ko nung May 2 … actually second na yung pagaaway naming ng hindi maganda pero na-decide ko nung May 2 kasi di ko na kinaya yung lahat.” 

Simple lang naman daw ang dream ni Aiai na magkaroon ng lifetime partner pero sa kasaamaang palad ay gumuho agad ang pangrap na ito. “Yun lang naman ang gusto ko eh. Yung magkaroon ng kasama sa buhay. Kasi malalaki na yung mga bata,  yung mayroon akong kausap. May magmamahal. Yun lang naman ang gusto ko and parang nahihiya ako aminin na hindi naman naging ganon talaga ang nangyari sa amin,” paliwanag pa ng aktres. 

Sinubukan daw niya protektahan si Jed sa ibang tao at sa kanyang mga anak subalit di na niya kinaya ang mga ginagawa nito sa kanya. “Kinausap niya ako, sinurprise niya ako noong nasa Salon De Manila ako. Bigla siyang dumating. Kinulong niya ako sa banyo pero humingi ako ng tulong dun sa mga friends ko. Kasi may trauma nga ako sa kanya, anything like phone, ring ng phone, pangalan niya, mukha niya, di ko kayang tignan. Di ko kaya. Yun muna iniiwasan ko. Siguro andun yung takot, galit at trauma, sabay-sabay.” 

Isinalaysay ni Aiai na mayroon din isang kaibigan si Jed na nagsabi na sa kanya ng totoo tungkol sa pagkatao ni Jed pero hindi siya nakinig. “Kasi Ama (tawag ni Aiai kay Boy), may isa siyang friend dati, siguro mga 3 months pa lang kami, siguro naawa siya sa aking, whatever, nakonsensya, sinabi na niya sa akin na may balak si Jed, na papatulan lang ako ni Jed and later on kuku..ayoko sabihin yung word, tapos pagnagawa na niya yung bagay na yun, iiwan na niya ako and may kakasamahin na siyang iba. Yung ex niyaNoon ko nalaman and ngayon ko na confirm. Alam ko dahil from the very beginning ramdam ko naman yun. Kaya lang natatakot ako, natatakot ako sa totoo. And natatakot ako na kapag nalaman ko yung totoo sobrang sakit.” 

Umiiyak na sinabi ni Aiai na humihingi siya ng tawad sa mga mahal niya sa buhay dahil itinago niya ang mga nangyayari sa kanya. “Mahal ko si Jed. Mahal na mahal ko yun. Alam mo naman na dream ko magkaroon ng asawa, akala ko siya na yung bigay sa akin. Siyempre tao lang naman ako, nagkamali ako di ko naman alam na magiging ganoon yung buhay ko. Sorry di ko sinasadya. Sa sarili ko. Sa mga anak ko. Kasi pati sila niloko ko. Pinapaniwala ko na masaya ako, pero di naman ako sinungaling Ama, alam mo naman yun. Di ako naging sinungaling sa buhay ko.” 

Dito sa puntong ito, inamin na ni Aiai na nagiging pisikal na sila ni Jed kapag nagaaway sila ng matindi. At napagawayan nilang huli ang kagustuhan ni Jed na lumagi sa isang hotel-casino para sa kanilang monthsary. “Tuwing nagaaway kami, physical fight. Oo pero malaki naman yung kalaban ko dib a. Noong May 2, yung pinagawayan talaga naming gusto niya mag-monthsary kami sa casino. Eh, ayoko na mag-casino siya kasi di naman healthy para sa kanya and di rin naman maganda para sa akin na makita ako sa casino. So sinabi ko sa kanya dun na lang kami sa bahay or any hotel wag lang dun kasi may casino doon. Pero nagalit siya. Nagalit siya at napunta na naman kami sa physical fight. Hinahagis ako sa kama. Sampalan. Ganun. Bunuan. Eh noong araw nay un, kasi feeling ko yung time na hinila niya ako sa sahig at kinaladkad niya ko, doon ko narealize na hindi ko na to kaya kasi kabibigay ko pa lang nung dream niya, binigay ko sayo yung makakapagpaligaya sayo, binigyan ko siya ng kotse. Eh nung araw nay un, kinaladkad mo ko sa sahig, ang pakiramdam ko, ano ka ba, ano nagagawa mo sa kin habang lahat naibigay ko na sa yo?” 

Dagdag pa ni Aiai, hindi nagustuhan ni Jed na pagbintangan siya na magsusugal. “Pinagbibintangan ko siyang magsusugal siya. Ano naman ang gagawin naming ng 3 days sa isang hotel-casino? Di ba? Doon nagsimula yung gigil niya sa kin. Hinila niya akong ganon, pero tinapon niya muna ako sa kama. Tapos yun, kinuha ko yung rosary kasi wag na lang ako lumaban, wag na lang kami magsakitan. And medyo may sinabi siya sa akin about my faith. Yun na nga lang nakakapagbigay sa akin ng lakas eh. Pinalabas niya ako ng kwarto habang hawak hawak ko yung rosaryo. Nagtago na lang ako sa kwarto ni Sofia (anak ni Aiai).”  

Sinabihan daw ni Aiai ang kayang mga anak na hayaan na lamang siya sa pagsubok na ito sa kanyang buhay. “At least ngayon di ko na niloloko ang sarili ko. Hindi ko na … kinausap ko naman sila. Sabi ko sa kanila, ‘Laban to ni Mama. Anything maramdaman mong sakit, magdadasal ka na lang. Di ka lalaban, ako lang ang lalaban dito.’”

Wala na daw natitira pang pagmamahal si Aiai kay Jed matapos ang insidente noong May 2. Galit na daw sa ngayon ang kanyang nararamdaman. “Naconfirm ko na lahat. Totoo lahat ng pakiramdam ko. Siguro alam ko naman idedeny nilang lahat yun. Pero alam ko kahit ideny niya sa kin, ideny niya sa buong madla, sa buong mundo, hindi niya maidedeny sa Taas yun. Alam ni God ang pinagdaanan ko at alam niya ang ginawa nila sa kin.” 

Nagtapat din si Aiai na nagkamali siya sa pagkakakilala niya sa asawa. “Walang gustong habang nagsasama kayo, may sakitan, wala nang respeto sa isa’t isa. Yung pagkatao niya ngayon ko lang nakilala…Akala ko kilala ko na siya. Di papala. Akala ko yung isang taon at three months kilala ko na siya, di pa pala. Mayroon palang ganoon.” 

Lalong nagbreak down ang aktres noong tanungin siya kung nadama ba niyang minahal siya ni Jed sa buong pagsasama nila. “Sa lahat ng nalaman ko, feeling ko hindi, Kahit kailan, hindi,” humihikbing sagot ni Aiai. 

Sa ngayon, bahala na daw ang lawyers ni Aiai sa divorce at legalities ng pagsasama nila ni Jed.  

At para sa kanyang mga anak, puro paghingi ng tawad ang Comedy Concert Queen sa kanila. “Kay Sof, gusto nun ng buong pamilya. Noon ko pa sinabi sa kanya, baka di yun talaga para sa atin. So I’m sorry and sa mga anak ko, sorry kasi  noon pa naman dapat ok na yung pagmamahal nila. Ok na yung pagmamahal naming sa isa’t isa. Kami kami na lang. And I’m sorry na nakikita niyo si Mama na nasasaktan. Kaya ko sinabi na di ko naman sinasadya na nagmahal lang naman ako. Gusto ko lang naman, gusto ko lang naman namnamin yung vows ko. At ipaglaban yung pag-ibig, asawa ko, kasal ko. And sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kin, minsan talaga pagloka-loka ako pero pagpasensyahan niyo na kasi nagkakamali ako, tao lang ako. I think lahat naman ng babae yun lang ang pangarap, maikasal. Pero hindi ito, wala na talaga.” 

At sa pagsisimula na namang muli ni Aiai, pasasalamat lang ang nasabi niya sa Panginoon. “Noong di ko pa alam lahat ng totoo sinsabi ko kay God, God pagtanggol mo naman ako. Hirap na hirap na ako. Pero ngayon ang dasal ko, God thank you, Salamat nakawala na ako, thank you God, sobrang thank you. Sobrang pagpapasalamat ko. Feeling ko di niya ako iniwan , araw-araw marami ako nalaman na totoo. Sobrang pasasalamat ko na hangga’t maaga nakawala na ako. Thank you talaga.”

Panoorin ng buo ang exclusive interview ni Aiai sa The Buzz dito.