• Home
  • Fresh Scoops
  • Zanjoe Marudo admits that work has affected his time spent with Bea Alonzo

Zanjoe Marudo admits that work has affected his time spent with Bea Alonzo

After doing a movie, Zanjoe Marudo is now busy working on a new teleserye.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/17/2013 8:25 AM
Zanjoe Marudo admits that work has affected his time spent with Bea Alonzo


051713-zanjoe_main.jpgMatapos ang tagumpay ng pelikula ni Zanjoe Marudo na Bromance, makikita siyang muli sa telebisyon bilang ama sa remake ng seryeng Annaliza. Ibinahagi niya ang tuwang nararamdaman niya ngayong tuloy na nga ang paglabas nito. “Mas nakaka-excite kasi yung ginagawa namin… mahirap, mahirap yung location. Siyempre mahirap para sa mga bata pero nung napanood na namin parang nawala lahat yung pagod. Nakakatuwa kasi ang ganda e. Ang ganda, ang ganda nung istorya at saka siyempre… so nakakakilabot.”

Ngayong sasabak muli siya sa drama matapos magpatawa sa kanyang pelikula, nagpapasalamat si Zanjoe na iba-iba ang kanyang ginagawa bilang artista. “Yun nga e, mabuti na rin yun, mabuti na rin yun para sa akin na paiba-iba yung nabibigay na role. Sa movie, comedy, kasi okay sa comedy tapos… ang ibinigay sa akin heavy drama naman kaya ang sarap at iba-iba yung makikita ng tao.”

Aminadong very busy ngayon si Zanjoe kaya naman apektado din ang oras niya sa kasintahang si Bea Alonzo. Ngunit siniguro nilang magkasama sila sa premiere night ng kanyang pelikula. Aniya, “Sa ngayon medyo konti lang talaga yung time namin together. Kaya ayun tinapos ko yung pelikula tapos hetong ano naman, hetong teleserye on-going.” Ngunit sinisiguro naman ni Zanjoe na pagsapit ng weekend ay may oras sila sa isa’t isa. “Pero weekends naman nakakapagkita kami.” Ngunit aniya kahit hindi weekend basta may oras sila sa isa’t isa, nagkikita sila ng kasintahan. “Hangga’t maaari basta’t may konting oras nagkikita naman kami.