• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap and Jodi Sta. Maria admit feeling very conscious about doing romantic scenes

Richard Yap and Jodi Sta. Maria admit feeling very conscious about doing romantic scenes

Richard Yap and Jodi Sta. Maria say that now their characters in 'Be Careful With My Heart' are more demonstrative of their feelings for each other, they are a little uncomfortable about the transitio

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/14/2013 8:24 AM
Richard Yap and Jodi Sta. Maria admit feeling very conscious about doing romantic scenes


051413-becareful_main.jpgBago umalis ang cast ng Be Careful with my Heart para sa mga series of concerts sa US at Canada, naibahagi nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria ang kanilang tuwa sa patuloy na suporta ng mga manonood sa kanilang programa. Ibinahagi ni Jodi ang kanyang kasiyahan na natatangap ng kanilang programa. “Well ako siyempre natutuwa ako dahil sa mga nangyayari sa show ‘di ba? Kahit papaano ‘di ba we are thankful na patuloy ang suporta sa amin ng mga manonood namin.”

Para kay Richard, “Of course we are very happy kasi it’s a blessing sa amin. Pero we also want to share that blessing sa mga nanonood so hopefully we can inspire them also to be more than what they are.”

Dahil sa mga sunod-sunod na nakakakilig na eksenang nangyayari sa Be Careful With My Heart, inamin ni Richard na nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Jodi sa romantic scenes nina ‘Ser Chief’ at ’Maya.’ “Minsan. Pero yung mga firsts namin medyo siyempre naiilang kami kasi parang ano, parang yung mga mag-boyfriend, ganun ‘di ba?” Dagdag niya pa noong unang nag-holding hands sila sa eksena. “The first time we did it, ano rin kami medyo naiilang na parang paano ba namin gagawin ito.

Maging si Jodi aminado na nagkakailangan sila ni Richard kahit na magkakilala sila at matagal na silang nagkakasama sa serye. Nangingiting ibinahagi ito ni Jodi, “Kasi sanay lang kami na lagi lang kami nag-uusap. Kumbaga ngayon medyo physical na si Ser Chief at si Maya so may mga hawakan na ng kamay ganyan.” Dagdg niya pa sa pangyayaring ito, “Oo kasi nung first time na nagholding hands tayo sabi ko, ‘Chenes hindi ko ito kaya.’ Parang nakakakilig kasi.”

Ngunit maging sila ay hindi rin sigurado kung ano ang mga susunod na mangyayari kina ‘Ser Chief’ at ‘Maya.’ Ayon kay Richard, “Hindi pa natin alam, dinedevelop pa lang kami sa story so it will come sooner or later.”

At nang matanong muli si Jodi tungkol sa diamond ring na kanyang pinost sa kanyang Instagram account at kung totoo bang ito ay engagement ring na pinaghihinalaang ibinigay sa kanyan ng napapabalitang kasintahan nitong si Jolo Revilla, itinanggi niya ito. Aniya, “Hindi, grabe naman.

Nakapagbiro pa tuloy ang kasama niyang si Richard sa panayam tungkol sa napapabalitang singsing. “Actually binili ko sa SM yun binigay ko sa kanya.” Na natatawang dinugtungan ni Jodi, “Galing talaga kay Ser Chief yun para kay Maya.”