• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda says he has no plans of getting close to his boyfriend's family

Vice Ganda says he has no plans of getting close to his boyfriend's family

The comedian says it's hard getting attached to his lover's relatives.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/12/2013 9:40 PM
Vice Ganda says he has no plans of getting close to his boyfriend's family


051313-vice-main.jpgTodo todo na pageensayo ang ginagawa ni Vice Ganda para sa nalalapit niyang concert sa Araneta Coliseum sa May 17. Marami din daw na paghahandang ginawa si Vice maliban sa pageensayo. “Nagabroad pa ko para panoorin yung concert ni Madonna. Tapos pinanood ko rin yung concerts nina Britney. Inalam ko kung ano yung uso ngayon sa concert scene. Inadopt ko yun sa Pilipinas kasi di pa ko nakakakita ng ganun yung may istorya tapos supported ng videos yung concert.”

 After daw ng concert sa Araneta ay plano niya itong iikot sa Pilipinas tapos ay dalhin abroad. Trimmed down daw ang mga production number ni Vice dahil hindi naman siya singer at ang expected naman ng mga tao ay mas marami ang time niyang “dumaldal” o magpatawa. 

Sa usapin ng halalan, inilarawan ni Vice ang kanyang ideal candidate, matapos ang kotrobersiyang kinasangkutan niya dahil sa mga binitiwang salita kontra sa aspiring senator na si Nancy Binay. “Mayroong laman ang utak, may sinasabi, mayroong plano at tsaka kung may sinsiredad ang pagsasalita kinakikitaan mo ng pag-asa, kinakikitaan mo ng magandang potential bilang isang public servant. Yun ang iboboto ko.  Gusto ko yung matatapang.” 

Pagdating sa kanyang love life, wala pa rin daw intension si Vice na ipakilala ang kanyang boyfriend sa publiko. Nang tanungin kung alam ba ng pamilya ng kanyang kasintahan ang kanyang relasyon, sabi ni Vice, “Alam naman nila. ‘Di ko alam kung tanggap nila. Siguro wala na rin silang magawa. ‘Di naman nakikialam sa amin yung family pero napagusapan naman naming yung tungkol sa family.”

Umamin din si Vice na ayaw niyang maging malapit sa pamilya ng kanyang boyfriend. Mahirap daw kasi ang napapalapit ang kanyang loob sa mga ito. “Ayokong naattach sa pamilya. Ayoko lang kasi naexperience ko na yung dyowa ko tapos yung pamilya niya kakilala ko, kachika ko, parang pati pamilya niya dyowa ko.” 

Wala rin daw involvement sa kanyang buhay pag-ibig ang sarili niyang pamilya. “Hindi sila nakikialam, di sila nagtatanong at all. Kahit nanay ko, yung kung sinong dyowa ko, wala. Ibinibigay nila sa akin yun.