• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah on the other 'The Voice' coaches: 'Tuwing taping day nilalabanan ko talaga yung intimidation'

Sarah on the other 'The Voice' coaches: 'Tuwing taping day nilalabanan ko talaga yung intimidation'

The Popstar Princess remains in awe of Bamboo, Apl De Ap and Leah Salonga.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/12/2013 9:45 PM
Sarah on the other 'The Voice' coaches: 'Tuwing taping day nilalabanan ko talaga yung intimidation'


051313-sarah_main.jpgPara sa Mother’s Day, shinare ni Sarah Geronimo sa The Buzz na good health ang tanging hiling niya para sa kanyang inang si Divine. “Good health marami pa akong pangarap sa pamilya naming para din sa sarili ko. Kung ano yung meron ako ngayon, sa singing career ko, gusto ko naman maging proud siya dahil anak niya ako. Hindi yung si Sarah Geronimo na artista, singer, concert performer,” sabi ni Sarah kay Boy Abunda.  

Inamin ni Sarah na dati’y kinukwestiyon din niya ang kanyang   ina pero nang lumaon ay narealize niya kung para saan ang mga paghihigpit nito. “There was a time na parang confused ka din. So parang sana, malagpasan ko na yung stage na yun. Yung naiisip mo sobra ba silang protective, ano ba ang dahilan, bakit ganito, bawal yung ganito, bawal yung ganyan-ganyan, pero as I age, as I experience things, as I experience pain, naiintindihan ko kung bakit ganun siya. At nagpapasalamat ako ng sobra-sobra, Tito Boy, na ganun siya ka protective. May nakita pa kong ibang mothers na mas strikto pero si Mommy hindi, sobra niya lang kami talagang mahal.” 

Busy din si Sarah sa taping niya para sa The Voice Philippines at tinanong ni Boy kung ano ang aasahan sa kanya dito. “Itong pagiging coach ko sa The Voice is a big challenge for me kasi kumbaga di na ako ito eh, di ko na to storya, di ko na to boses, boses na to ng mga tao na nangangarap so in charge ka sa victory nila eh. Ang masakit nun, siyempre may Battle Rounds na, kailangan na mag-eliminate sa team ko. Masakit.

Shinare din ni Sarah na ‘passion’ ang hinahanap niya sa isang boses para mapabilang sa kanyang team. “Passion. Di lang po sa kanta. Iba din kasi yung magaling ka lang kumanta vocally, technically. Pero kapag wala kang passion, wala.” 

Sa kanyang pakikipag-trabaho naman sa kanyang fellow coaches na sina Bamboo, Apl De Ap at Leah Salonga, inamin ni Sarah na until now ay naiintimidate siya ng mga ito. “Maganda po yung rapport namin, yung working relationship namin. Actually nakakaintimidate po talaga, tuwing taping day namin nilalabanan ko talaga yung intimidation. Pero nilalakasan ko na lang po yung loob ko,” natatawang kwento ng singer. 

Aminado naman si Sarah na fan siya ng coach na si Bamboo. “Grabe sobra po akong blessed dahil taga-hanga ako ni Bamboo. Yung mabigyan ka ng chance na makaperform siya sa iisang stage, it’s a big treat. Talagang pinasasalamatan ko ng husto. Pagkasama mo siya sa stage naoobliga ka talaga gumalaw kasi magmumukha kang gulay kapag naka ganyan ka lang at di mo sinabayan si Bamboo. “

Star struck pa din daw siya kay Leah at very humble at level headed naman daw si Apl. “Panoorin niyo ang blind auditions. Panoorin niyo ko gumive up doon,” pagbibirong sabi pa ni Sarah. 

Balik si Sarah sa US simula sa May 23 para sa kanyang 24/SG US Tour kasama si Matteo Guidicelli at Jon Santos.