Marjorie Barretto: 'Life moves on kasi may mga anak ako'

Gretchen Barretto shares that her sister will reveal the truth about her photo scandal after the elections.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

5/12/2013 9:54 PM
Marjorie Barretto: 'Life moves on kasi may mga anak ako'


051313-marjorie_main.jpgMatapos ang alitan sa pagitan ng kanyang inang si Inday at mga kapatid na sina Claudine at Gretchen, si Marjorie Barretto naman ang sinusundan ng mga isyu matapos kumalat ang kanyang mga larawang nasa maseselang position at itsura na naging laman ng mga blogsites at social networking sites tulad ng Facebook.

Noong May 6 itinanggi ni Marjorie na siya ang mga nasa larawan pero noong sumunod na araw sa press con ng kanyang mga abogado ay naging admission ang denial niyang ito. Giit ni Atty. Lorna Capunan, marami pa daw mga larawan na nagsusulputan na idinikit lamang ang mukha ni Marjorie. “Some of them are her, but not all … It is made to appear as her and If it can happen to her, it can happen to anybody.”

Paninindigan ng kampo ni Marjorie na kasuhan kung sino man ang naglabas at nagkakalat ng mga larawan. Naglabas din ng listahan ang kanyang mga lawyers ng mga websites kung saan nakapost pa din ang mga larawan ni Marjorie. Cybercrime division ng NBI ang nakatututok sa imbestigasyon nito at sumasailalim ito sa Republic 9995 or Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009 na mayroong parusang 3-7 years at pagbabayad ng 100 thousand to 500 thousand na multa. 

Humarap din sa press ang dalawang anak ni Marjorie na si Dani at Julia Barretto tungkol sa isyung ito. “We just hugged her and said “you know mom we’re gonna get through this. Ngayon na nagburst ang issue na to hanggang matapos to, we are with her all the way. Whoever it is, God bless na lang,” reaksyon ni Dani. 

Nagreact din si Dani sa awayan ng kanyang Tita Gretchen at Claudine. “We’re very close to my Tita Clau. We’re very close to my Tita Gretchen. Wala kaming pinapanigan kasi mahal naming sila eh. Pamilya namin sila wala kaming dapat panigan. We’ve been through a lot of things as a family and lahat yun nalampasan naming, alam ko malalampasan din namin ‘to. Sa mga taong naghuhusga sa min, sana mapagod na kayo, magdasal na lang kayo, God bless you all.” 

Despite na hardships, Marjorie remains positive, laban kung laban sabi ng actress turned politician. “Lahat ng mommy maraming pagdadaanan yan sa buhay. ‘Di madali maging nanay. At ‘di rin madaling maging isang tao at the same time, pero pag tayong mga mommy may dumating na mga pagsubok sa atin, we have no choice but to get up immediately dahil may mga anak tayong umaasa sa atin. Once you are a mother you no longer own yourself. So, siguro you give yourself one or two days to cry, after that you pick up yourself and life goes on, life moves on kasi may mga anak na ko.” Nagpapalakas daw ng loob ni Marjorie ang kanyang mga anak dahil mas malakas at matapang ang mga ito sa pagharap sa problema. 

Nagbigay din ng kanyang nalalaman sa isyu sa The Buzz si Gretchen, kung saan ay guest co-host siya for the second straight week. “She’s coping. May mga oras na ok siya, mayroong mga oras na di siya ok,” hayag ni Gretchen nang tanungin siya ni Boy Abunda kung kamusta ang kanyang kapatid. Inamin din daw sa kanya ni Marjorie na siya nga ang mga nasa larawan.“Yes, she admitted na siya yung nasa photos.” Magsasalita daw sa issue ang kanyang kapatid soon, matapos ang eleksyon. “Alam ni Marjorie. Boy actually tinanong ko si Marjorie last night on the phone. Sabi ko ‘Marj what are you going to do with this situation?’ Sabi niya ‘Gretch hintayin natin na matapos ang eleksyon magsasalita ako, ilalabas ko ang dapat ilabas. Wala akong tinatago mayroon lang akong mga pinoprotektahan.’ So I expect after the elections magsasalita siya Boy. And I hope and pray na tutupadin niya ang sinabi niya.”