The unkabogable star added that though he is prepared for the worst, he still fears that his star will lost its shine. “Masaya ako sa estado ko ngayon at tsaka pagtinatanong ako, ‘Paano [kung ganun nga]? Alam mo naman siyempre, pag komedyante, pag bakla, trabaho mo ‘yan. ‘Di naman pang habang-buhay.’ Lagi kong sinasabing, kung babalik man ako sa dati na mawawala ‘yung ningning handa naman ako kasi nanggaling ako don, sanay na ako sa ganyan. Pero ang totoo, natatakot naman talaga ako talaga. Wala namang sumikat na hindi natakot na malaos. Ayoko kong magpakaplastik pa.”
Nonetheless, he makes use of this fear to motivate himself to secure his future. “Natatakot akong malaos pero pinaghahandaan ko ‘yan. ‘Yung takot na ‘yan hindi ko hahayaang lamunin ako at bumagsak yung moral ko sa sarili ko. ‘Yung takot na ‘yan gagamitin kong konstraktibo para mapaghandaan ko ‘yung kinabukasan ko. Para sa ngayon pa lang ay meron na akong iniisip gawin kung saka-sakaling mangyari yang hindi inaasahan na ‘yan.”
The It’s Showtime host hopes to stay long in the industry. He shared, “Kaya pinagdadasal ko na huwag muna akong malaos kasi kung di pa ako malalaos mas malaki pa ‘yung pagkakataon na maipakita kung ano man ang kaya kong gawin at tsaka para marami pa akong mapapasaya. Marami pa naman akong maibubuga.”
The box-office star added that he has no plans of an early retirement. “Hindi ko siya kino-consider anytime soon. Siyempre yung pag-unwind once in a while kasi nabuburn out tayo, napapagod din tayo, gusto nating mag-beach, gusto nating to spend time with some of the people na gusto nating makasama pero retirement hindi pa, ine-enjoy ko pa. Kailan lang to eh, kakasimula pa lang, kaya dapat i-enjoy ko pa. Kasi pag-iniisip mo na ‘yung retirement ibig sabihin hindi ka na masaya. Although pinaghahandaan ‘yung retirement. But I am not retiring anytime soon,” he said.