Julia Montes on working with Enchong Dee: 'Walang problema'

The actress admits she has a good working relationship with Enchong.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

5/10/2013 12:23 PM
Julia Montes on working with Enchong Dee: 'Walang problema'


051013-enchongjulia_main.jpgMatapos ang di umano ay nabigong pag-ibig ni Julia Montes at Enchong Dee, magkakasama ngayon ang dalawa sa bagong seryeng "Muling Buksan Ang Puso."

Ayon kay Julia, wala naman siyang nakikitang masama na makatrabaho muli si Enchong. Giit pa niya, kumportable na siyang kasama ngayon ang kaibigang si Enchong. "Okay naman kami kasi friends kami ngayon at walang problema," ani Montes sa guesting nito sa "KrisTV."

Pagbabahagi pa ni Julia, nakasama niya na muli si Enchong sa look test, promo shoot at workshop para sa nasabing serye. "Tapos na po 'yung promo shoot, look test and workshop with him. Loosen up na OK na po kami," dagdag niya.

Matatandaang noong nakaraang taon ay umingay ang isyung nag-uugnay kay Enchong at Julia.Matapos ang ilang buwan matapos ang pag-amin nila na espesyal sila para sa isa't isa napabalita naman na di umano ay paghihiwalay nila.

Samantala, napaluha naman ang lola ni Julia na si lola Flor nang amining natatakot siyang umibig ng sobra ang apo dahil nakita na niya itong umiyak noon.