• Home
  • Fresh Scoops
  • Phil Younghusband and Angel Locsin deny rumors of tying the knot soon

Phil Younghusband and Angel Locsin deny rumors of tying the knot soon

Phil Younghusband and Angel Locsin admit that although they are very happy with each other, there are no wedding bells for them anytime soon.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/1/2013 8:29 AM
Phil Younghusband and Angel Locsin deny rumors of tying the knot soon


050113-angel_main.jpgMatagal nang tinatanong ang magkasintahang sina Angel Locsin at Phil Younghusband kung may plano na silang magpakasal. Nang inilabas ng Cinema News ang kanilang panayam sa Azkals Football player kung may katotohanan ba ang muling mga lumalabas na balitang magpapakasal na sila, pinabulaanan ito ng atleta. Aniya, “I said I plan to marry Angel in the future, I didn’t say in the immediate future. I hope she’s the one. It’s my future to be with her.”

Nakuha din ang panig ni Angel sa kagaganap lamang na Famas Awards kung saan nanalo siya bilang Best Actress para sa pelikulang One More Try at maging siya ay nagulat din na naririnig niya ang ang mga balitang ikakasal na siya. Nagbigay din ng reaksiyon ang aktres sa pagsabi ni Phil na siya na talaga ang gusto nitong makasama habambuhay. “Madaming nagtatanong sa akin kung magpapakasal na ako…You’re the one talaga? Hindi ko talaga alam, nung narinig ko ito hindi ako maka-react pa, pero kung may tao na mahal na mahal mo na very vocal sa nararamdaman niya, nakakakilig naman talaga ‘di ba?

Pareho man nilang pinabulaanan ang isyung ikakasal na sila, ibinahagi naman nilang pareho ang gustong-gusto nila sa isa’t isa. Ayon kay Phil, “She’s very beautiful but when you get to know her she’s very genuine, very kind. When you’re around her, I can’t explain. There’s something you have when you fall in love.” Nakikita din sa pangkabuuan ang masayang nararamdaman ni Angel sa kanyang buhay pag-ibig. “Sa ngayon gusto ko lang muna isipin na oo, oo kasi masaya talaga kami. Yung happiness na binibigay niya sa akin iba talaga, napakabait na tao ni Phil talaga at napakaswerte ko.”

Kumpara sa mga napagdaanang relasyon ni Angel na bukas siya sa publiko sa bawat nangyayari, ngayon ipinaliwanang ng aktres kung bakit pinili niyang mas maging pribado tungkol dito. Aniya, “Alam niyo naman ako, as much as possible sana kung ano yung pribado sa buhay ko, sa akin na muna talaga.”