• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen speaks up about John Estrada's supposed lack of child support

Janice de Belen speaks up about John Estrada's supposed lack of child support

Janice de Belen firmly stands by her statement about John Estrada's lack of child support.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/9/2013 8:19 AM
Janice de Belen speaks up about John Estrada's supposed lack of child support


040913-janice_main.jpgMainit ang naging mga pahayag ni Janice de Belen sa dating asawang si John Estrada. Naging usap-usapan na nga ang maanghang na mga pahayag ng dating mayabahay ni John na hindi diumano nito sinusuportahan ng tama ang kanyang anak dito. Nagsimula ang panayam kay Janice sa pictorial ng unang anibersaryo ng kanilang programang Showbiz Inside Report kung nais ba nitong makapanayam si John sa nasabing talk show.

“I don’t think it’s necessary for me. Kapag hindi ako comfortable sa iniinterview ko, you’ll see it on my face eh. Better na huwag na lang, hindi naman kailangan.” Ayon pa sa award-winning host at actress, alam ng kanyang mga anak ang damdamin niya tungkol sa usapin pagdating sa kanilang ama. Aniya, “I’m very honest with my children, my lines are clear on that. Ine-explain ko naman iyon sa kanila. It’s not about me. Ayaw ko lang iniisip ng mga tao na kaya ako nagagalit kasi hobby ko magalit or trip ko lang mainis.”

At dito na nga isiniwalat ni Janice ang rason sa kanyang nadarama patungkol sa dating asawa. “It has nothing to do with me, it has nothing to do with my past with him. It’s just simple, support your children right.”

Agad na nagbigay ng panayam si John sa mga naging pahayag ng dating asawa. Ayon sa kanya walang katotohanan ang mga ipinaparatang sa kanya ni Janice. “First of all, nakakasama ng loob. Hindi ko din naman po hinangad na maka-one on one si Janice in an interview.” At iginigiit nito na hindi niya pinapabayaan ang kanyang mga anak. “Yung sa support ng anak ko, you know we’ve been separated for 13 years… never kong pinabayaan ang anak ko. At yung sinasabi ni Janice na maging okay lang kami na kung if I support my kids right. Korte na po ang nagsasabi, kasi dinala niya ako sa korte, I didn’t contest. You know? Kung ano sasabihin ng korte. ‘John ito dapat ibibigay mo sa mga anak mo.’ Yun talaga, and I give more. Bakit ko naman kailangan sabihin sa tao yun? Bakit ko naman ipagyayabang yun?

Ngunit ayon kay John alam niyang hindi siya perpektong ama, ginagawa niya ang kanyang makakaya para maibigay kung ano ang nararapat sa kanyang anak. “I’m not a perfect father. May pagkukulang ako sa mga anak ko, ang kapal naman ng mukha ko na kasama ko yung mga anak ko parati, yun pala eh hindi ko naman pala sinusuportahan.” Dagdag pa niya, “Kung may pagkukulang ako sa mga anak ko icocorrect ko yun, ‘di ba? Marami akong pagkukulang talaga. Naayos ko naman eh, hindi ko lang makuha talaga 13 years, man! 13 years. Baka isipin ng iba kawawa naman yung anak namin. Jusko po tignan niyo ang mga anak ko ang lulusog.”

At sa lahat ng ito may nais siyang iparating sa dating asawa. “You know maiksi lang yun buhay I really hope… I wish the best for you. Sana talaga maging masaya ka na.” 

Kaya naman nang muling kunin ang panig ni Janice sa mga naging pahayag ng kanyang asawa bilang bwelta sa mga ipinaparatang diumano nito kay John, pinanindigan ni Janice ang kanyang mga naunang pahayag. “Expected naman yun. Hindi naman ako masasaktan wala naman akong sinabing hindi totoo. Paka simple lang ng sinabi ko ‘di ba? Wala naman akong sinabi na hindi totoo eh.

Nagsalita din si Janice sa sinasabi ni John na court-mandated support niya sa kanyang mga anak. “Kung meron lang gustong mag-abala, lahat ng mga sinabi ko, yung sinasabi ko naman yung pinaka-topic, yung gist nun sinasabi ko can be found in the court. Those are public documents. Kung may gustong mag-abala, you don’t have to talk about it anymore.

Alam ko na agad yan na pag nagsalita ka bukas may reaction. Kaya maingat din ako mag salita. That’s why I always think first before I say anything. Kahit yung sinasabi nila na namadali ako, mabigla ako, hindi. If you’re always used to thinking before you speak, your mind is trained to do that at any point. You choose your words nicely kasi babalik yan sa’yo.”