Has Kris Aquino found a new love interest in France?

The Queen of All Media admits she has met a French businessman during her trip to Europe with her sons.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/9/2013 8:15 AM
Has Kris Aquino found a new love interest in France?


040913-kris_main.jpgSinabi ni Queen of All Media na si Kris Aquino na mayroon siyang bagong nakilala nang magtungo siya sa Europa.
Dalawang linggong nagbakasyon si Kris sa ibang bansa kasama ang mga anak na si Joshua at James Yap Jr. o Bimby.
"Alam mo may na meet ako. Sa France, pero 'yun nga ka-edad na siya ng papa mo (Melai). A little more (60 years old)," ani Kris sa co-host niyang si Melai Cantiveros.

"Sobrang successful na negosyante at darating siya dito sa Pilipinas sa June dahil gusto niyang bumili ng island, hindi ba sosyal? dagdag ni Kris.
Pag-amin ni Kris, hindi na bata tignan ang lalaki ngunit importante ay aprubado ni Bimby ang Frances.

"Ay hindi masyado OK na yan Melai papakilala ko sa inyo," aniya.

"Pumasa kay Bimby, kaya tignan na lang natin. Let's pray dahil gusto niyang mag-build ng mga buildings sa Philippines. So ipagdarasal ko 'yan dahil mas maraming trabaho para sa maraming Pilipino, pray with me OK," dagdag ni Kris.

Matatandaang nagtungo sa Europe si Kris at mga anak nito matapos ang kontrobersyal niyang alitan sa dating asawang si James Yap, ama ni Bimby.