• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd reveals that he and Sarah wrote some of their lines in It Takes A Man And A Woman

John Lloyd reveals that he and Sarah wrote some of their lines in It Takes A Man And A Woman

The three-time Box Office King shares why his movie with Sarah Geronimo is really close to his heart.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

4/7/2013 10:40 PM
John Lloyd reveals that he and Sarah wrote some of their lines in It Takes A Man And A Woman


040813-jlc-main.jpgHanggang ngayon ay kapansin-pansin ang pagiging emosyunal ni John Lloyd Cruz sa tuwing napag-uusapan ang tagumpay ng pelikula nila ni Sarah Geronimo na It Takes A Man And A Woman. 

Sa kanyang panayam sa The Buzz nitong linggo, April 7, ibinahagi ni John Lloyd ang isa sa mga paborito niyang eksena nila ng Popstar Princess, na siya ring isa sa mga rason kung bakit mas napalapit sila sa mga karakter na kanilang ginampanan sa pelikula. "Hindi ko na sasabihin pero sa dulo po, the last two scenes or the second to the last scene, kasi kami ni Sarah nagsulat nun. Yung writer namin, sinabi sa amin na isulat niyo itong eksenang ito." 

Naitanong din kay John Lloyd kung saan siya humuhugot ng emosyon, tulad halimbawa doon sa wedding scene nila ni Sarah, gayong hindi pa naman siya ikinakasal sa tunay na buhay. "I saw it also myself, sa wedding ng cousin ko. Alam ko yung feeling. Hindi naman sa nagmadali pero bago ko gawin yung eksena, nung wedding ng cousin ko, bumukas yung pintuan, lumabas yung bride, nauna pa ako umiyak sa pinsan ko," kwento ni John Lloyd na likas na sensitibo maging sa tunay na buhay."

Ngunit sa kabila ng mga papuring natatanggap ni John Lloyd tungkol sa galing niya sa pagarte ay nananatili pa rin itong mapagkumbaba at walang ere. "Ang hirap kasi i-explain yung process kasi iba't ibang pelikula, iba-ibang approach. Pinaka-basic you try to get it from the heart of the character at kung ano hinihingi ng eksena."

Sa lahat ba ng pagkakataon ay kailangan may certain grain of truth sa kanyang pag-arte upang mas maging kapani-paniwala sa audience? "Sometimes problema namin ni Direk Cathy (Garcia-Molina), yung totoo sa akin minsan hindi rumerehistro sa screen. So mag-argue kami. 'Ano ang gusto mo gawin ko? Yun ang totoo, yun ang naramdaman ko,'" diretsahang sasabihin daw minsan ni John Lloyd kay Direk Cathy na naging matalik na rin niyang kaibigan pagkatapos ng ilang pelikulang pinagsamahan nila. 

Samantala, panay din ang papuri ni John Lloyd sa leading lady niya na si Sarah dahil sa galing sa pag-arte na ipinakita nito sa pelikula. " Wala ako masabi. The diction, pati depth nag-iba rin. Yung lumipas na apat na taon (mula ng gawin nila ang You Change My Life) ang laki ng naitulong." 

May mensahe ring ipinaabot si John Lloyd sa Head ng Star Cinema na si Malou Santos, " Tita Malou, hello, thank you sa pagaalaga at pagtitiwala, sobrang laki ng utang na loob ko sa Star Cinema." 

At sa huli, "Direk Cathy, I love you."