• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina plans to drop libel case against sister Cristine Reyes

Ara Mina plans to drop libel case against sister Cristine Reyes

Now that the siblings have patched things up, Ara Mina's legal counsel says that the latter might withdraw her libel and grave coercion charges against Cristine Reyes.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

4/7/2013 10:47 PM
Ara Mina plans to drop libel case against sister Cristine Reyes


040813-ara_main.jpgMarami ang nagalak nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakabati ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes noong nakaraang Easter Sunday.

Base sa Instagram posts ni Cristine that same day, on the way na siya patungong Baguio para makapagrelax bago magbalik-trabaho kinabukasan nang biglaan siyang nagdesisyon bumalik ng Manila upang makasalo ang pamilya. Dito naganap ang reconciliation nila ni Ara.

Ayon pa sa isang post ni Cristine, worth it daw ang overspeeding penalty na natamo niya dahil sa kanyang pagmamadali makauwi upang makasama ang mga mahal sa buhay at personal silang makapagusap ni Ara. "I don't care if i broke the rules.. I willingly surrendered my license without even negotiating with the traffic enforcer. I don't care if I had to risk my life by over speeding just to get to my destination as fast as I could. I've been praying for this moment to come.. It's true.. Don't lose hope.. Don't give up.. We can experience a lot of extraordinary things in a day and I'm very happy that it happened to me." Matatandaan na halos isang taon na rin ang lumipas mula ng magkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng magkapatid.

Samantala, sinubukan ng The Buzz na makapanayam si Ara tungkol sa pagkakaayos nila ni Cristine. Ngunit tumanggi munang magpainterbyu ang aktres at sa halip ay nagpadala na lamang ng isang text message kung saan masaya nitong ibinalita na tuloy-tuloy ang komunikasyon sa pagitan nilang magkapatid. "It is true na nagkabati na kami ng sister ko. Gusto ko muna ng quiet time with my family at samantalahin ang pagkakataon na ito. We want to enjoy this moment para naman maka-catch up kami sa mga panahon na nawala sa amin. Hope you understand. Don't worry, ibabahagi rin po namin kung paano kami nagkabati. Thank you so much sa lahat ng nagdasal para sa amin ng kapatid ko. God is good."  

Dagdag pa rito, base sa text message na ipinadala ng abugado ni Ara na si Atty. Ricky dela Cruz, posible raw na iatras ng aktres ang kasong libel na isinampa niya laban kay Cristine sanhi ng problemang pampamilyang kinasangkutan nila noon. "Baka iatras na. 'Di pa namin napaguusapan."

Sa ngayon, ipinarating din ng ilang taong malalapit kina Ara at Cristine ang tuwa nila sa tuluyang pagkakaayos ng magkapatid.

As of press time, muling nag-post ng ilang tweets si Cristine kung saan nabanggit niya na kasama niyang nag-lunch nitong linggo ang kanyang pamilya. Ibinahagi rin niya ang isang litrato ng baked goodies na mula sa restaurant ni Ara, patunay lamang na patuloy ang komunikasyon sa pagitan nila. 

- With reports from The Buzz