• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai Ai delas Alas keeps mum about rumored Las Vegas wedding with Jed Salang

Ai Ai delas Alas keeps mum about rumored Las Vegas wedding with Jed Salang

Ai Ai delas Alas evades queries if it's true that she and her non-showbiz boyfriend tied the knot recently.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

4/7/2013 10:35 PM
Ai Ai delas Alas keeps mum about rumored Las Vegas wedding with Jed Salang


040713-aiai_main.jpgUsap-usapan nitong nakaraang linggo ang tungkol sa biglaang pagpapakasal ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jed Salang. Ito ay dahil sa nakakaintrigang Instagram picture nila ni Jed kasama ng mga anak niya at dating asawa na si Miguel Vera na kuha sa Las Vegas. Ang tanging nakalagay sa caption ay "formal dinner...happy day" ngunit may mga spekulasyon na lihim na nagpakasal ang dalawa noong araw na iyon.

Ayon pa sa sources ng The Buzz, mismong malalapit na kaibigan ni Ai Ai ang pinagmulan ng kwento tungkol sa lihim nilang pagpapakasal. Nag-propose raw si Jed bago pa nag-Holy Week. Kung sakali ay hindi na rin nakakapagtaka kung bakit mabilisan ang lahat dahil nanggaling na rin mismo kay Ai Ai na posibleng buntis siya dahil delayed ang kanyang period for 9 days, base sa panayam sa kanya ng ilang ABS-CBN reporters kamakailan.

Sa quarter finals ng Pilipinas Got Talent Season 4 kagabi, April 6, nakausap ng The Buzz si Jed at sinabi ng lalaki na nakatakda pa lang magpa-check up si Ai Ai sa kanyang doctor upang alamin kung kumpirmadong buntis ito. "Hindi pa namin naku-confirm. This week magpapa-check siya. Siyempre excited [ako]. Kung bibigyan kami ni Lord ng chance na magka-baby, why not, blessing yun." 

Samantala, halatang iwas naman si Ai Ai nang tanungin siya kung may kinalaman ang panunukso nila Luis sa kanya sa PGT sa diumano'y lihim na pagpapakasal nila ni Jed. "Nanloloko lang mga yun, alam mo naman sina Luis, para masaya lang." At  nang diretsahan siyang tanungin kung totoong nagpakasal sila sa Las Vegas , ito ang tanging naisagot ng comedian-host, " Next time na."

Tila makahulugan naman ang mensahe ng The Buzz host at talent manager ni Ai Ai na si Boy Abunda tungkol sa nasabing isyu. "Isang malaking surpresa naghihintay sa atin dito sa The Buzz [next Sunday]. Hindi ko pa alam kung ano. I'm supposed to talk to Ai Ai today. Tignan natin."