• Home
  • Fresh Scoops
  • Richards Yap hints at long-term extension of 'Be Careful With My Heart'

Richards Yap hints at long-term extension of 'Be Careful With My Heart'

Kapamilya heartthrob Richard Yap is ecstatic with the continuous success of his TV series.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/5/2013 6:26 PM
Richards Yap hints at long-term extension of 'Be Careful With My Heart'


040513-richard_main.jpgIsang magandang balita sa mga fans ni "Ser Chief" at "Maya dela Rosa" dahil maaring tumagal pa ang hit seryeng "Be Careful With My Heart."

Sa panayam kay Richard Yap or mas kilala bilang si Richard "Ser Chief" Lim, sinabi nitong maaring lumagpas pa ng Hunyo ngayong taon ang pagpapalabas ng "Be Careful With My Heart."

"They haven't really told us yet kung hanggang kailan, but we feel that it's going to be, the story will go a long way," ani Yap.
Dagdag niya: "Hindi pa namin alam exactly when, but for now, I think it's going to be more than the June date."

Kung saka-sakali ito na ang pangalawang pagkakataong mae-extend ang nasabing serye na nagsimula Hulyo noong nakaraang taon.

November 2012 nang aminin ni Richard at leading lady nitong si Jodi Sta. Maria o mas kilala bilang "Maya" na aabot pa hanggang sa kalagitnaan ng 2013 ang kanilang serye.