• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo is ready to defend Daniel Padilla on all negative issues

Kathryn Bernardo is ready to defend Daniel Padilla on all negative issues

Kathryn Bernardo says that people just misunderstand Daniel Padilla who is just being true to himself.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/5/2013 6:28 PM
Kathryn Bernardo is ready to defend Daniel Padilla on all negative issues


040613-kathryn_main.jpgWalang duda na ang tambalan ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pinakamainit at pinakasikat na love team ng henerasyong ito. Mula sa kanilang hit serye, sa blockbuster na pelikula hanggang sa kabi-kabilang mga endorsements, hindi na mapigilan ang pagsikat pa ng dalawang teenager na ito bilang mga indibidwal na artista at bilang magkapareha.

Kaya naman sa kabila ng kasikatang nilang ito ay ang kabi-kabila ding mga isyu at intriga na ipinupukol sa kanilang dalawa. Isa na nga ang isyung pilit ikinakabit kay Daniel na yumayabang na diumano ito. Kahit na ilang beses na itong pinabulaanan ni Daniel, hindi pa rin ito matigil-tigil. Kaya naman nang hingan ng Push.com.ph ang reaksiyon ang kapareha nitong si Kathryn, agad niyang ipinagtanggol ang kapareha. “Siguro yung good thing kay DJ nagsimula kami sa Princess and I. Bago pa lahat ng mga na-accomplish niya ngayon, totoo na siya sa sarili niya,” paliwanag ng dalaga.

Dagdag pa ng dalaga napag-usapan na rin nila ni DJ ang bagay na ito. Aniya, “Sabi niya, ‘Mas okay na rin na ipakita ko na okay ako kesa na magtry ako na maging okay ako.’ Kasi kapag sumikat ka talaga, baka sabihin nila nagbago ka. E nung simula pa lang ganun na talaga si DJ e, hindi naman siya maangas. Personality niya talaga na sinasabi niya kung ano ang gusto niya. Tapos kung ano yung nararamdaman niya sasabihin niya kaya nagpapakatotoo lang siya.”

Sinabi din ni Kathryn na handa niyang ipagtanggol ang kapareha sa kahit na anong intriga o isyu na ibato sa ka-love team at ipinangakong lagi lang siya nakasuporta. “Oo kasi si DJ ganun din naman siya sa akin, na willing siyang ipagtanggol ako kapag may umaaway sa akin ganyan, so vice versa. Saluhan lang kami dalawa.”

Nang nakapanayam ng Push si Daniel sa presscon ng isa sa mga pinakabago niyang endorsements at nang kunin namin ang reaksiyon niya sa sinabing ito ng kanyang kapareha, “Sinabi niya ba yun? Nakakatuwa kasi yun din ang kaya kong gawin at ipagtanggol siya sa kahit na kanino di ba? Kaya ko talaga alam niyo yan. Solid!”