• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban: 'I will forever be a fan of Sarah Geronimo'

Angelica Panganiban: 'I will forever be a fan of Sarah Geronimo'

Angelica Panganiban shows her all-out support to her boyfriend John Lloyd Cruz's team-up with Sarah Geronimo.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/5/2013 6:29 PM
Angelica Panganiban: 'I will forever be a fan of Sarah Geronimo'


040513-angelica_main.jpgNapahanga si Angelica Panganiban ni Sarah Geronimo, leading lady ng kanyang nobyong si John Lloyd Cruz sa pelikulang "It Takes A Man And A Woman."

"I will forever be a fan of Sarah Geronimo napagod ako kay Sarah sa movie. Sa pagtawa at sa pag-iyak, I love you LAIDA!!!!," ani Angelica gamit ang kanyang Twitter account.

Pag-amin ni Angelica, nanood siya ng "It Takes A Man And A Woman" na hindi alam ni John Lloyd.

"’Wow! Love! You’re sooo brave!!!’ Malamang eto sasabihin ni Idan (palayaw ni John Lloyd) ‘pag labas ko ng sinehan hahaha!" ani Angelica.

Matatandaang una nang itinanggi ni Angelica na nagse-selos siya sa leading lady ni John Lloyd.

Aniya, napanood niya ang unang dalawang pelikula ni Sarah at John Lloyd at handa siyang pumila para lang mapanood ang proyekto ng paborito niyang love team.

"Pumipila ako sa sinehan sa dalawang pelikula nila, first day talaga. Fan na fan ako ni Laida (Geronimo) at Miggy (Cruz). 'Saka nakakakilig sila at saka iba ang dating nilang dalawa." 

Sa ngayon ay busy si Angelica sa kanyang seryeng "Apoy Sa Dagat" samantalang si John Lloyd ay maaring gumawa ng pelikula kasama naman si Anne Curtis.