• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador and Gerald Anderson holding hands while scuba diving in Batangas

Maja Salvador and Gerald Anderson holding hands while scuba diving in Batangas

Maja Salvador has become more open about her growing romance with fellow Kapamilya star Gerald Anderson based on her increasing posts of their photos together on Instagram.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/4/2013 8:44 PM
Maja Salvador and Gerald Anderson holding hands while scuba diving in Batangas


040413-maja_main.jpgTila handa na ang rumored couple na si Maja Salvador at Gerald Anderson na ibahagi sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Sa kanilang kanya-kanyang Instagram account, ibinahagi ni Maja at Gerald Anderson ang kanilang underwater pictures na kuha mula sa kanilang bakasyon sa Batangas nitong nakaraang Holy Week. 

Sa isang larawan na ipinost ni ni Maja nakalagay ang mga salitang: "Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay."

Samantalang simpleng "BEAUTIFUL" naman ang inilagay na caption ni Gerald sa isa pang larawan.


Nauna nang itinanggi ni Maja at Gerald na mayroon na silang relasyon pero hindi nila itinangging espesyal ang isa't isa para sa kanila.

Hindi pa [kami]. Agad agad? Ayoko pangunahan. Sa akin na lang muna. Siguro in time. Huwag muna ngayon mag-share. Sinagot niya naman ’di ba? Sinabi naman niya na kinikilala namin isa’t-isa," ani Maja.

Ayon kay Gerald, darating din ang panahon na aamin na siya kung sakaling maging sila na.

"Hindi pa (kami). Pwedeng dumaan pa kami sa, may tamang time at lugar para sa lahat. Like I said wala akong itatago sa inyo and she's very special to me," ani Gerald.