• Home
  • Fresh Scoops
  • Lito Lapid admits that his days of being attracted to his leading ladies are now over

Lito Lapid admits that his days of being attracted to his leading ladies are now over

Lito Lapid says he finds it embarrassing to be paired with actresses now that he's already a grandfather.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/4/2013 9:21 AM
Lito Lapid admits that his days of being attracted to his leading ladies are now over


040413-lito_main.jpgSa isang pambihirang pgkakataon, nakapanayam ng Push.com.ph kasama ng ibang press si Sen. Lito Lapid para sa pinakabago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang hit primetime serye na Little Champ. Masayang-masaya ang senador sa mainit na pagtanggap ng mga kapamilya viewers sa kanyang pagababalik-showbiz.

Hindi ko naman akalain na tumaas ang ratings. Siyempre bilang matagal ngang hindi lumalabas siyempre nakakahiya po kapag hindi nag-click ito. Kaya nagpapasalamat ako sa Mahal na Panginoon, at least makakatulong ulit ako sa mga kasamahan natin sa showbiz,” aniya ng senador.

Inamin din ni Sen. Lito na pakiramdam niya ay para siyang nagsisimula muli sa showbiz simula nang pinagdesisyunan niyang tutukan ang pulitika. “Oo nakakatuwa na parang baguhan ako ulit na pati yung camera, pati mga crew. Kasi dati nasa bundok ngayon nasa bayan na ako.”

Nanibago din si Sen. Lito sa maraming pagbabago sa proseso at produksiyon ng paggawa ng palabas. Aniya, “Malaki sa produksyon saka ang gagaling ng mga bata na kung minsan tinuturuan pa nila ako, ‘Amang Leon mag-ensayo tayo.’” Maging sa pagbitaw ng ilang linya ay inamin ng senador na naninibago siya, “Kapag minsan sinasabi ko pagpasensiyahan niyo na ako tumitigas na rin ang dila ko.”

Aminado si Sen. Lito na maging siya, kasama ng ilang miyembro ng cast ng serye, ay nainip na maipalabas ang Little Champ. Dumating na sa puntong marami na ang nagtatanong sa kanya kung kailan nila ito mapapanood ngunit aniya nagtiwala siya sa ABS-CBN Management. Dagdag pa ng senador na nakilala bilang si Leon Guerrero, “Siyempre ako din, ‘Ipapalabas pa ba ito o hindi?’ Kasi marami na ring nagtatanong. Kasi lahat naman automatic na kapag matagal ka nang artista anong ginagawa mo ngayon, ito nga Little Champ e kailan ba ilababas yan parang mag-iisang taon na, lalo na yung pamilya ko, kaibigan ko.

At nang nakuha na nga niya ang balitang ipapalabas na ang kanilang pinaghirapan ng halos isang taon, “Hay salamat lalabas na rin. Ang sabi nga nila bakit napakadali. Ang sabi ko nga kaya ng ABS yan kasi lahat ng programa nila malalakas naman at Primetime naman.

Nanibago man ang Senador na mapanood muli ang kanyang sarili, may isang bagay siyang ikinaalala sa kanyang muling pagbabalik telebisyon. “Natatakot nga ako kung anong itsura ko e.” 

Ibinahagi din ni Sen. Lito na araw-araw inaabangan ng kanyang asawa, na nasa ibang bansa, ang Little Champ. “Natutuwa siya lalo nung kumanta ako sa ASAP. siya pa yung kinakabahan,” pabiro ng senador.

Kilala si Sen. Lito Lapid, lalo na noong kalakasan ng paggawa niya ng pelikula at proyekto sa telebisyon, na lapitin ng mga kababaihan lalo na ng ilan sa kanyang mga naging leading ladies. Natanong siya na ngayong pinapareha siya kay Katya Santos kung napag-usapan ba nila itong mag-asawa ito. “Sanay na yun lalo na nung kabataan natin puro chismis kasi. Noong araw kasi kung sinong pinapartner partner. Sabagay ngayon bumalik kung sinong pinapartner partner kasi pero wala na tayo diyan.”

Dagdag pa ng senador sa usaping kung nagkakagusto pa siya sa ibang mga babae, “Wala na yan, sa apo ko na lang nahihiya na ako.