• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros reveals that she and Jason Francisco are officially back together

Melai Cantiveros reveals that she and Jason Francisco are officially back together

According to Melai Cantiveros, she and Jason Francisco are very much happy now that they have gotten back together.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/30/2013 8:07 AM
Melai Cantiveros reveals that she and Jason Francisco are officially back together


043013-melai_main.jpgMatagal na ang mga umuugong na balitang nagkabalikan na sina Melai Cantiveros at Jason Francsico. Bukas naman si Jason sa pag-aming muli niyang sinusuyo ang dating kasintahang nadikit rin sa ibang mga lalaking napabalitang nanunuyo. Ang ilan dito ay ang Azkals player na si Misagh Bahadoran, ang kaibigan niyang taga-Cebu na kilala lamang sa pangalang ‘Dan’, at ang huli’y ang Australyanong sinasabing naging dahilan ng matinding selos ni Jason.

Kaya naman nang ekslusibong nakapanayam ng Cinema News si Melai, naitanong ang komedyana sa lagay ng kanyang buhay pag-ibig. “Ang lovelife ko naman stable naman.” Nang matanong kung may bago bang nagpapatibok ng kanyang puso, ang kanyang naging pag-amin, “Yun din, ang dati kong love life. Siya naman talaga, sino pa ba ang dati kong love life?”

Maging ang personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien ay nakisali na rin sa panayam na kung si Jason ba ang dating love life na kanyang tinutukoy at ang diretsang sagot ng komedyana, “Oo.” Tanong pa ni Moi Bien, “Sobrang mahal mo si Jason?” At ang agad niyang sagot, “Alangan naman balikan ko hindi ko mahal. Nabuang naman ikaw.” Ibinahagi din ni Melai na masayang-masaya sila ni Jason ngayon sa pangalawang pagkakataon nila sa pag-ibig.

Sa pagkakakabit ng pangalan ni Melai sa iba’t ibang mga negatibong issues, ilang beses nang ipinagtanggol ni Jason ang kasintahan. Kaya naman nang matanong si Melai kung handa rin ba nitong tapatan at gawin ang pagtatanggol na ginagawa sa kanya ni Jason, aniya, “Kapag love mo, kaya mo panindigan, walang question yun. Love is the reason itself.”

Ekslusibo ding nagsalita si Melai sa unang pagkakataon tungkol sa nangyaring gulo sa pagitan nina Jason at ang kasama niya sa Banana Split na si John Prats. Hindi man nagbigay ng detalye tungkol sa eksaktong nangyari, ibinahagi ni Melai ang kanyang nadarama sa nangyaring ito sa dalawa. Una ay kung naapektuhan ba ang mgandang pagkakaibigan nila ni John at ang diretso niyang sagot, “Hindi naman naapektuhan.” Ngunit umaasa siya na pagdating ng panahon ay magkaayos din ang dalawa.

Dagdag pa niya, “Tsaka dapat silang magkaayos dahil pare-pareho lang naman tayong tao sa mundong ito. Pagdating ng panahon magkakapatawaran din.” Ngunit ayaw rin ni Melai na pilitin ang dalawa na magkaayos kung hindi pa naman naayon sa panahon. Aniya, “Kahit naman gawan mo yan ng paraan yung lahat kasi may time diyan e. Hintayin mo lang lahat.