• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino refuses to get a boyfriend just to prove she's not a lesbian

Yeng Constantino refuses to get a boyfriend just to prove she's not a lesbian

Yeng Constantono denies allegations that she's a lesbian; says she's willing to wait for the right guy before entering a relationship.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/3/2013 9:54 AM
Yeng Constantino refuses to get a boyfriend just to prove she's not a lesbian


040313-yeng_main.jpgSa kabila nang walang patid na isyu na kumikwestiyon sa kanyang kasarian, iginiit ng Rock Princess na si Yeng Constantino na babae siya.

Sa guesting nito sa "KrisTV," hinarap muli ni Yeng ang isyu at iginiit na hindi siya lesbian.

"Unang una po sa lahat, sobrang hindi po ako galit sa mga taong naga-accuse sa akin. So kung sinasabi nila 'yan eh ginagalang ko po and opinyon nila. Pero sobrang secured lang po ako on who I am. I am a woman. Babae po ako at pinagsisigawan ko po' yan," ani Yeng.

Naniniwala si Yeng na maaring naiisip ng ilan na isa siyang tomboy dahil sa kanyang musika. Dagdag ni Yeng hinihintay lang din niya ang tamang lalaki para sa kanya.

"Siguro nagtataka sila dahil rakista ako at moderno pero conservative po talaga ako. I'm just waiting for that one person who will love me for the rest of my life. I just don't want to give away my 'oo' to anyone else. Ang hirap nga pangatawanan dahil ang daming gwapo sa industriya pero gusto mong gawin at panindigan kasi mahal ko ang magulang ko. Gusto ko na kapag tinignan ako nila ni mama at papa, na kahit independent na ako, masasabi nila na kahit wala na si Yeng sa bahay ay (ginagawa) niya ang mga itinuro namin sa kanya."

Tulad ng iba, pangarap ni Yeng ang makahanap ng isang lalaking may takot sa Diyos at marunong magluto.