• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda's simple wish on his birthday: 'Happiness everyday'

Vice Ganda's simple wish on his birthday: 'Happiness everyday'

The comedian-host says being happy means he can provide more entertainment to his avid fans.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/3/2013 9:54 AM
Vice Ganda's simple wish on his birthday: 'Happiness everyday'


040313-vice_main.jpgMasayang nagdiwang si Vice Ganda ng kanyang kaarawan sa "It's Showtime" nitong Lunes.

"Nabigla ako ang bilis nang pangyayari 26 na pala ako, ganoon ganoon lang," unang pabirong hirit ni Vice.

Sa programa ibinahagi ng komedyante ang kanyang simpleng kahalingan -- ang manatiling masaya.

"Ang wish ko lang ay maging masaya ako araw-araw sobrang simple na 'nun. Kapag masaya ako araw-araw ibig sabihin noon ay masaya ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko," ani Vice.

Dagdang ng komedyante ang pagiging masaya niya ay magdudulot din ng kasiyahan ng kanyang mga tagahanga.

"At kapag masaya ako ibig sabihin noon ay mas magiging madali ang mapasaya kayong lahat. I love you madlang people," ani Vice.

Maliban sa "It's Showtime" successful din ang kanyang weekly show na "Gandang Gabi Vice."