• Home
  • Fresh Scoops
  • 'It Takes A Man And A Woman' hits the 100-million-peso mark in four days

'It Takes A Man And A Woman' hits the 100-million-peso mark in four days

John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo's third movie together prove to be a box office success yet again.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/3/2013 8:51 PM
'It Takes A Man And A Woman' hits the 100-million-peso mark in four days


040313-ittakes_main.jpgTagumpay ang ikatlong pelikula ng tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Nito lamang Miyerkules, ibinahagi ni Roxy Liquigan at Mico del Rosario ng Star Cinema na tumabo na sa mahigit P100 milyon ang kita ng "It Takes A Man And A Woman," ang huling installment ng "A Very Special Love" films na dinerehe ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

"P100 million plus na!!!:):):)," ani Roxy sa Twitter.

"Thank You Very Much for making #ItTakesAmanAndaWoman A SUPERMEGABLOCKBUSTER HIT!"

Nauna nang nagpasalamat si Sarah sa lahat ng mga nanonood ng pelikula na kumita ng P32.6 milyon sa unang araw pa lang ng ipalabas ito noong Sabado (Black Saturday).

"Muli po maraming maraming salamat sa inyong pagsubaybay sa love story nila Miggy at Laida!.Maraming salamat para sa inyong nag-uumapaw na suporta at pagmamahal sa dalawang characters na ito..ganon din sa buong cast," ani Sarah.

Dagdag nito: "On behalf of the entire production team, sa Star Cinema at Viva Films, sa director naminDirek Cathy Garcia-Molina...Kay ate Carmi Raymundo, our scriptwriter at lalo na po sa buong staff and crew, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!," dagdag ng aktres.

Samantala, nagpasalamat naman si John Lloyd Cruz sa lahat ng mga tagahanga na sumuporta sa kanilang pelikula sa pamamagitan ng K-TEXT.

"Salamat po sa lahat ng sumuporta sa It Takes A Man And A Woman!"