Kim Chiu says she isn't ready to pose for a men's magazine

After posting a photo of herself in a bikini, Kim Chiu clarifies that it doesn't mean she's ready to pose for a men's magazine.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/27/2013 12:05 AM
Kim Chiu says she isn't ready to pose for a men's magazine


042713-kim_main.jpgNaging usap-usapan ang mga pahayag ni Kim Chiu noong nakaraang Linggo sa The Buzz tungkol sa mga taong nakasakit sa kanya. Inamin din kasi ng dalaga na kahit mapatawad niya ang mga ito ay hindi niya malimutan ang nagawa sa kanya.

Sa ekslusibong panayam ng Cinema News kay Kim sa kanyang birthday celebration na kanyang idinaos para sa kanyang mga fans, natanong siya kung ang dating matalik na kaibigang si Maja Salvador at ang dati niyang karelasyon na si Gerald Anderson ang kanyang pinatutungkulan. Ang nasabi na lamang ng aktres na tila iwas pa rin sa isyu, “Sabi ko nga, sila talaga? Ano ba naman tong world na ito?

Tungkol naman sa kanyang positibong estado sa buhay sa kasalukuyan, aniya, “Wala naman talaga. Yun nga mahirap kalimutan yung mga ginawa sayo pero mabilis naman ako nagpatawad parang okay na, sige bahala na sila.” 
 
Isa din sa mga gumawa ng ingay noong araw ng kanyang kaarawan ay ang kanyang post sa social networking account na Instagram kung saan siya ay nakasuot ng two-piece swimsuit na tila may ipinapahiwatig. “Side view lang naman yun pero kapag full view iba na ibig sabihin nun. Wala lang, since 23 na ako siguro pwede na, hindi na sila magsasabi na hindi pa dapat, bata pa dapat ganyan ganyan. Side view lang yun, one angle lang ng body ko, di mo nga kita yung tiyan ko e, legs lang.

Kaya naman maraming mga kumento ang lumalabas na tila nagsasabing handa na siyang mag-pose ng sexy para sa isang men’s magazine. Ilan na rin sa kanyang mga kasamahan sa Star Magic tulad ni Melissa Ricks at Empress ang nauna nang gumawa nito. “Hindi pa, huwag naman muna, okay pa ako ng ganito.

Maliban sa Ina, Kapatid, Anak na kanyang pinagkakaabalahan, nagbigay na din siya ng update sa inaabangang pelikula nila ng kanyang kalove team na si Xian Lim. “Bakit di ka crush ng crush mo? It’s a rom-com, directed by Bb. Joyce Bernal under Star Cinema. Sobrang iba, akala ko ako si Eugene Domingo, si Direk Joyce akala niya ako si Eugene Domingo.

At sa kanyang kaarawan, hiling lang ni Kim na magtuloy-tuloy ang anumang kasiyahan na meron siya ngayon. “Sana tuloy tuloy lang ang success, tuloy-tuloy lang yung happiness na nangyayari sa akin. Hindi man ganun kakumpleto pero masaya ako sa kung ano man ako ngayon.