Gia Barretto-Reyes tells sister Gretchen: 'Leave us alone'

Another Barretto sibling speaks up about the Gretchen-Claudine feud.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/26/2013 12:00 PM
Gia Barretto-Reyes tells sister Gretchen: 'Leave us alone'


042613-gretchen_main.jpgTila nagsisimula pa lang ang gulo sa pagitan ng magkakapatid na Barretto at kanilang inang si Inday.

Nitong linggo nagulat ang lahat ng itakwil at tawaging "sinungaling" ni Inday ang kanyang anak na si Gretchen na di umano ay walang tigil na pang-aaway nito sa bunsong kapatid na si Claudine.

Dahil sa mga masasakit na salita laban kay La Greta, nagsalita naman ang isa pa nilang kapatid na si Joaquin "Jay Jay" Barretto.

Sa statement nito, sinabi niyang tila nakalimutan ng kanilang ina na 12 anyos pa lang si Gretchen nang magtrabaho na ito para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. 

Inamin din niyang may pinagdadananang problema si Claudine at na-ospital na ito noon.

Nakiusap din si Joaquin sa ina na tigilan na ang bangayan nila ni Gretchen para maisalba pa ang kanilang pamilya.

Ngayon sa isang statement na inilabas muli ni Ricky Lo sa Philippine Star, nakisali naman ang isa pa nilang kapatid na si Gia Barretto-Reyes na nakabase sa ibang bansa.

Kinampihan ni Gia ang ina sa pagsasabing hindi talaga nais ni Gretchen ang maging parte ng kanilang pamilya.

"I respect that you do not want to be part of our family. At this point, we welcome it. Not at any point do I ever recall us forcing you to be part of us but we have never also alienated you during the times when you wanted to be with us. Even during the times when you battled with one of us. I say us because you have time and time again made extreme efforts to push us — mom, dad and all of us — away," ani Gia said.

Hindi tulad ng sinasabi ni Joaquin, iginiit ni Gia na magulang nila ang gumastos sa lahat ng pangangailangan nila noong sila ay bata pa. 

"Your claims of financial support for this family have no basis, because dad always managed to provide. For the record, we may not have been so rich but we were never poor. 1. We live in big beautiful houses 2. Slept in carpeted, air-conditioned rooms, 3. Food galore. 4. Put in an exclusive school. 5. Members of exclusive country clubs. 6. We each have our own yayas, yours even a midwife. 7. Driven by chauffeurs." 

Iginiit din ni Gia na si Claudine ang tumutulong sa kanilang pamilya at hindi si La Greta.

"No Gretchen, it was not you who helped us during rough spots. It was Claudine. You could not in the life of you convince her that our parents were abusive ones. It was difficult for you to accept that there was somebody who actually had pure intentions of helping where help was needed. You once told me and I quote, 'I just disappear when things get tough.' You have become great at these disappearing acts. Claudine made an effort to be there always. Just a few corrections: Claudine paid for my med at UBC just as she paid for a lot of our nieces' and nephews' education. She gave them (our nieces and nephews), iPads, iPhones, concert tickets, clothes and so much more. She spoiled all of us not because she needed to but she wanted to. She unlike you, has never equated her value with money or material possessions."

Samantala, tama ani Gia na nahihirapan ngayon si Joaquin lalo't nagtatrabaho ito para kay La Greta.

"JJ comments on TV are only credible in as far as he is caught between a rock and a hard place, because he is in your employ. It honestly pains me to see that you could put him in this situation. To pick between that and his parents."

Sa huli, umapila si Gia sa kanilang kapatid na si Gretchen na mawala na lang sa kanilang buhay at pabayaan na lang silang manahimik.

"I echo mom’s words, 'Stop it.' We get it. We know you don’t want us so please hear us now... 'We do not want you, too.' Please stop hounding us like an attack dog. We will admit defeat if you just leave us in peace. Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please. Enough is enough! Leave us alone. Leave my family alone," pagtatapos na mensahe ni Gia.

Matatandaang ang pagpasok di umano ni Julia Barretto sa showbiz ang dahilan ng pinakabagong away nila Claudine at Gretchen.

Sinasabing hindi umano nagustuhan ni Claudine ang pagpasok ni Julia sa showbiz pero itinanggi naman ito ng kanilang inang si Inday.