Raymart Santiago leaves Claudine Barretto

Claudine's mother, Inday Barretto confirms the couple's separation.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/24/2013 12:13 PM
Raymart Santiago leaves Claudine Barretto


042413-raymart_main.jpgTuluyan nang umalis sa bahay ang aktor na si Raymart Santiago matapos ang di umano ay pinakabagong away nila ng asawang si Claudine Barretto.

Ang ina mismo ni Claudine na si Inday Barretto ang nagkumpirma nito sa panayam ni Ricky Lo na inilabas ng Philippine Star nitong Miyerkules.

"Yes, it is true," ani mommy Inday. 

Ayon pa kay mommy Inday, umaasa siyang magkakasundo muli ang mag-asawa: "Sana. But if God wills it to be permanent, huwag naman sana. But still, our life is not in our hands! "

Matatandaang sa nakalipas na mga taon ay hindi mahinto-hinto ang isyung away at hiwalayan ng dalawa.

Sa pinakahuling panayam kay Raymart para sa pinakabago nitong show, umiwas ang aktor na pag-usapan ang di umano ay gusot sa pagitan nila ni Claudine pero inamin niyang tulad ng iba ay may pinagdadaanan din ang kanilang pamilya. 

Nagbigay ng pahayag si mommy Inday para idepensa si Claudine sa mga di umano ay paratang na binibitawan sa kanya ng mismong kapatid na si Gretchen Barretto, kabilang dito ang pagiging bayolente at problema nito sa pagiisip.