• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos says 'Be Careful With My Heart' will air 'forever'

Charo Santos says 'Be Careful With My Heart' will air 'forever'

ABS-CBN's president says the show will be extended indefinitely.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/24/2013 3:31 PM
Charo Santos says 'Be Careful With My Heart' will air 'forever'


042413-bcwh_main.jpgIsang magandang balita para sa mga fans ng hit seryeng "Be Careful With My Heart" ang pahayag ng presidente ng ABS-CBN na magtatagal pa ito sa ere.

Sa press conference matapos ang stockholders' meeting sa Dolphy Theater nitong Miyerkules, sinabi ni ABS-CBN president Charo Santos-Concio na mananatili ang serye hanggang ibig pa ng mga manonood.

"It will be there forever... hangang magkaroon ng apo. I think for as long as the public is supporting 'Be Careful With My Heart' it will be there," aniya.

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ng bidang si Richard Yap na hahaba pa ang serye nila ni Jodi Sta. Maria.

Una nang napaulat na extended na ang serye hanggang sa Hunyo nitong taon.

"Hindi pa namin sigurado exactly when, but for now, I think it's going to be more than the June date," ani Richard.

Dahil na din sa pinakabagong pahayag ng presidente ng Kapamilya network, tila magkakaroon pa ng katuparan ang pangarap ng ilang manonood na mauwi sa kasalan at sa pagkakaroon ng buong pamilya ang pag-iibigan ng mga bidang karakter na sila "Maya" at "Sir Chief."