Bianca Manalo admits going out with PNoy

The ex-beauty queen says she had dinner with Pres. Noynoy Aquino last January.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

4/24/2013 3:13 PM
Bianca Manalo admits going out with PNoy


042413-bianca_main.jpgPagkatapos ng pinakahuli niyang relasyon, tila handa na si Bianca Manalo sa bagong pag-ibig.

Sa exclusive interview ng TV Patrol nitong Miyerkules, inamin ng TV-host actress ang isyung lumabas sila ng Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Ayon kay Bianca isang mabait, matalino at maginoo ang Presidente ng bansa na nakasama niya sa isang dinner ilang buwan na ang nakakaraan.

"I call him Mr. President. (Kinabahan ako) ang lamig ng kamay ko, iniisip ko how will I act," ani Bianca.

"Hindi kami nauubusan ng mga pinagkukuwentuhan any conversation that we want. Basta parang nakakabilib. I feel really honored kasi not all people are given the chance to meet the President personally," dagdag ng aktres.

Unang lumabas si Bianca at Pangulo noong Disyembre at nasundan noong buwan ng Enero. 

"We kept it as a secret ng family ko kasi we respect the privacy of the President," paliwanag ni Bianca. 

Pero sa huli, iginiit ni Bianca, walang ligawan na naganap.

"Parang getting to know mayroon, pero ligawan -- wala," aniya. 

Ayon kay Bianca, noong Pebrero ang huling komunikasyon niya sa Pangulo nang bitiin niya ito sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan.