• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga answers issues comparing her to sister Toni Gonzaga

Alex Gonzaga answers issues comparing her to sister Toni Gonzaga

Alex Gonzaga is happy to be back with the kapamilya network and emphasizes that there are no work issues with sister Toni Gonzaga.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

4/24/2013 8:32 AM
Alex Gonzaga answers issues comparing her to sister Toni Gonzaga


042413-alex_main.jpgMasaya ang nagbabalik-kapamilya na si Alex Gonzaga na kamakailan ay pumirma noong April 16 ng ekslusibong two-year contract sa ABS-CBN. Kasama ang kapatid na si Toni Gonzaga at si Robi Domingo, makakasama siya sa hosts sa The Voice of the Philippines. Naroon din ang mga mentors/coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo Manalac, at si Allan Pineda (Apl.De. Ap ng Black Eyed Peas) ng nasabi ding programa.

Aniya, “Nag-sign po ako ng contract for kapamilya network. Sobrang saya ko na na-welcome ako, tinanggap ulit ako ng ABS-CBN Kapamilya network. Parang yung feeling ko na first time nakatabi ko sina Ma’am Charo, and nakasama ko pa kapatid ko sa isang show and nakasama din ako sa The Voice, one of the biggest shows this year.”

Malaki din ang pasasalamat ng bunsong Gonzaga dahil sa mga nakalinya sa kanyang mga proyekto sa kapamilya network. “I’m very happy na yung shows na nakaline-up sa akin is I get to showcase kung ano po yung talents ko, kasi magco-comedy ako sa Banana Nite, then hosting sa The Voice then teleserye acting. Lahat ng pwede kong gawin magagawa ko siya, dito pa sa ABS-CBN, I’m so grateful.” She is also set to be part of the Sunday variety show ASAP 18.

Nagsimula ang showbiz career ni Alex Gonzaga nang makasama ito sa sitcom na Let’s Go! noong 2006, at huling napanood sa ABS-CBN noong 2008 sa primetime serye na My Girl.

Kaya naman sa kanyang pagbabalik sa kapamilya network, nabuhay muli ang isyu ng pagkumpara sa kanya at sa kanyang ate Toni. Pero para kay Alex walang isyu dito at maging sa mga panayam kay Toni sinoasabi nitong hindi apektado ang panganay na Gonzaga. “Oo pareho kami. Kapatid ko naman yun e, pinalaki naman kami sa tahanan na walang inggitan. Parati sa aming sinasabi ng Mommy at Daddy na magsuportahan na lang kami.”

Pabirong dagdag pa ni Alex tungkol sa bilin sa kanila ng kanilang mga magulang at ngayong magkasama na sila sa iisang network, “’Magmahalan kayong magkapatid, kung anong meron ang kapatid mo, sa ‘yo rin yun!’ True enough pareho kami size ng paa, size ng bewang, size ng sapatos iisa ang damit naming lahat.